PAST BLOGS

7/15/2005

faux fix

Nung nakaraang linggo, nasira yung discman ko.


Sinubukan kong ipaayos sa technician, di daw nila kayang gawin.



Nung mga nakaraang araw, sinubukan ni Gloria kung malulusutan niya ang paratang na sa kanya ang boses na na-record.


Malas niya, nabiyayaan siya ng Diyos ng boses na kanyang-kanya lamang.



Nasira yung kabibili ko lang na payong sa pizza hut.

Pinagawa ko sa kanto. Lifetime warranty daw. Tinahi nila.

Nasira ulit yung payong ko.



Kamakailan, nagpalit ng pangalan ang pangulo- "I am Sorry"

Sorry na ang bago niyang name.

Siyempre joke lang yun.



Eto seryoso, humingi ng tawad ang pangulo, pero mas lalong umalma ang mga tao.



Nasira ang momentum ko sa pag-aaral dahil sa ilang mga di maipaliwanag na pangyayari sa buhay.

Mahirap nang ibalik ang nakaraan.



Sabi ng isa sa mga nakaulayaw ko nitong nakaraang mga araw, ang hirap daw sa karamihan sa atin, nakakita lang ng isang mali sa isang tao, umaarte na na parang mas banal sa nagkasalang tao.
Napaisip ako. Marahil.



Mistulang wala nang pakialalm sa mga nagaganap sa bansa at mundo ang karamihan sa mga tao sa paligid.

Parang gusto ko nang maniwala na eto na ang pagpasok ng "Apathetic Age."



Sabi ng isang setudyante sa kanyang guro- "Sir, nakakapagod na yang mga rally na yan. Yang EDSA na yan, wala naman na yang kuwenta. nakakasawa na. pagod na'ko."

Sagot ng guro-" E kelan ka nga ba nakasa sa rally? Nakaranas ka na ba ng EDSA? Pano ka napagod?"



Apathy o kawalang pakialam sa mga nangyayari ang papatay sa mundo.


Kapag tinatanong ko ang mga tao sa pananaw nila tungkol sa mga isyung kinakaharap ng bansa, ang malimit na sagot- "Tama na siguro yung gobyerno ngayon."

Kapag nagsasabi naman ako ng Oust Gloria, sinasabi ng karamihan, "E sinong gusto kong pumalit?" (sabay walk-out ag drama nila, syempre, di nako nakapagpaliwanag)

Sabi ko na lang sa sarili ko- ako.

siyempre madaming pwedeng pumalit. Napaka-general lang naman ng mga qualifications para maging isang presidente. Ang mahalaga, hindi mandaraya.


Naalala ko tuloy yung sinabi ni Miriam Defensor Santiago sa isa sa mga hearings nila sa kongreso- "The best thing that we can do for this country is to commit mass suicide!" (referring to the govt officials)

Nakakagulat, pero yun na nga siguro ang isa sa pinakamagandang ideya na narinig ko sa senadora. Kahit na nakakawindang ang kanyang panawagan, iyon na marahil ang pinakamalaking halimbawa ng pagmamahal at pagsasakripisyo sa bayan- yun e kung matutuloy ng yun.


Madami sa mga tao ngayon ay naghahanap g pangmadaliang solusyon.

Bombahin ang MalacaƱang! Mag-genocide tayo!

Ha? Mukhang malabo yan sa bansa natin.


Kaya nga hindi ako naniniwala kay Mish Maravilla.

Hindi totoo ang "Instant Ayos."

Pucha, anong ganda kapag lahat ng problema mo ay kakamayin mo lang aayos na.

Pero hindi eh.

Kapag gumamit ka nga ng shampoo, kelangan mo munang makaubos ng isang drum bago umayos ang mga split ends mo.

Sana nga may totoong darna. Darna equipped with literal bombshells.

O diba astig yun!

Pag may holdaper, sigaw ka lang ng darna, may sasaklolo sayop. kaso, wala.



Naniniwala naman akong may pag-asa pa. Basta. Kailangan lang nating maniwala at mag-feeling. Kasi naman napaka-bilis nating mapanghinaan ng loob.

basta, wag masyadong maniwala sa nakakatulig na kanta ng isang shampoo commercial.




2 comments:

Anonymous said...

yeah. di totoo ang instant ayos. gumamit ako ng rejoice, lalo lang nagulo buhojk ko.

jeline said...

Tama po kau kuya tlagang ang hirap makita sa personal c ma'am Kara ..she's a very busy person kac....pero just like you d ako nawa2lan ng pag-asa na sooner makikita q rin xa...."I LOVE MA'AM KARA VERY MUCH!" -she's one of my inspiration nga eh..pero xempre mag'aaral aqng mabuti para mging katulad nia..gsto q ring mraming matulungan 2lad nia even in a very simple way...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...