Eto ang nakalagay sa maliit na puting sticker:
Love Radio, Yes FM, Energy FM, Star Fm, WRR(All Lies),
Ang bantot at cheap ng musika ninyo.
Salot sa isipan.
Emosyon Overdose na.
Angat mo isip mo at... (punit na bahagi)ang driver.
Angat mo...(punit uli)
Angat Pinoy.
Napa-isip tuloy ako. Ano kaya ang malaking problema ng taong may pakanang magkalat ng ganung campaign para siraan ang ibang mga local radio stations?
Oo, aaminin ko, minsan (madalas na nga minsan-a basta!) dumudugo na ang tenga ko sa ga kantang pinapatugtog ng mga estasyong nabanggit. (ie. Aah chupeta! bum shibumbumkbumbumbum! bop it! remember m, remember e...ahh!)
Sa tuwing nagbanbyahe kasi ako sa mga pampasaherong aircon na bus, madalas nagkakataong nakatutok sila sa isa sa mga radio stations na nabanggit. Siyempre ang inisyal kong reaksyon ay pagkainis.
Ikaw ba naman kasi, umagang-umaga ang bubungad sayo'ng kanta bum-shibum! Ok lang naman e, kaso yung iba sa mga kantong yun nakaka LSS (Last Song Syndrome)talaga.
Ikaw ba naman kasi, umagang-umaga ang bubungad sayo'ng kanta bum-shibum! Ok lang naman e, kaso yung iba sa mga kantong yun nakaka LSS (Last Song Syndrome)talaga.
Dun naman sa sticker, oo na, freedom of expression, pero sana naman inayos nung nagsulat para di halatang nagsayang lang siya ng pera at panahon para sa kanyang kampanya.
Unang una, hindi naamoy ang musika.
Sukat ba namang sabihing ang bantot ng musika.
Teka, naamoy nga ba ang musika? hmm. Paturo naman.
Salot daw sa isipan. -marahil pampagulo, pero hindi naman salot. Nakakainis lang talaga ang epekto ng LSS, lalo na kung mag-eexam kayo sa skul at ang tanging pauli-ulit na tumutugtog sa isip mo eh yung kantang narinig mo sa bus.
Pangatlo, emosyon overdose na!- hala! adik yata yung ngasulat at nao-overdose sa sarili niyang emosyon. E di ba likas naman tayong mga tao na may emosyon? Marami talaga tayong emosyon na nararamdaman. Kapag na-overdose ka na sa mga ito at di sila kinaya, malamang isa ka nang baliw!
Angat mo ang isip mo...Angat Pinoy!- ha? parang napakalaki nang implikasyon ng mga pinatutugtog ng mga radio stations na yun sa ekonomiya ng bansa. Angat Pinoy!
bakit, kapag nawala ba sa ere ang mga estasyong yun eh uunlad ang Pilipinas? Malabo ata yun.
Isa pa, hindi yata nakaligtaan yata ng may-akda ang papel ng mga radio-stations na yun. Kalimitan sa mga radio-stations na binaggit ay maka-masa. Tagalog ang lenggwahe sa radio at mga kantang madaling masusundan hng masa ang kalimitang pinatutugtog. Di ba't mga masa naman ang mas nakararaming naninirahanm dito sa bansa? Kaya tingin ko nararapat lang na pagserbisyuhamn sila ng mga radio stations na yun.
Marahil sa pananaw ng iba jologs ang mga kantang pinatutugtog nila, pero ano ngayon? Kung di wala namang pinatutugtog na jologs, magsasawa din tayo samga karaniwang pinatutugtog sa mga mainstream pop radio stations. Astig nga kasi nagsisilbing "alternative" ang mga radio stations na nabanggit para sa mga Pilipino.
Sa kabilang banda, nakakapagpawala pa nga ng pagod ng karamihang manggagawa ang pakikinig sa mga maka-masang musika.
Kung mabaho man ang ilang lugar sa PIlipinas, nakakatulong ang mga "mababantot" na musika na pinapatugtog ng mga radio stations na nabanggit.
Kung mabaho man ang ilang lugar sa PIlipinas, nakakatulong ang mga "mababantot" na musika na pinapatugtog ng mga radio stations na nabanggit.
Ikaw? mabaho ba ang estasyong pinapakinggan mo sa radyo?
8 comments:
nakakatuwa naman ang post mo, di ko lang siguro napansin na may ganyang kampanya, yung sinasakyan ko kasing bus sa edsa ay novaliches (walang aircon na novaliches), kaya kahait patutogtog sila ay wala akong maririnig. nagkakaroon lang ako ng chance na makinig sa radyo dito sa YM. pero tama mga points mo, di appropriate yung ibang words. o baka sadyang nagpapatawa lang yung sumulat nung sticker para may mabasa yung mga naiinip na pasahero sa bus, hehehe...
...wala naman tayong magagawa kung gusto ng mga drayber na laging naka-tune in sa mga stasyon na yun...it does entertain them and lift their spirits up pag bumibiyahe sila...
kakaaliw talaga basahin mga post mo! intelihente... at tagalog na tagalog...di ko ma express sarili ko pure as in diretso, malalim, matalinghagang tagalog.
by the way, what's magbulitas?
sya nga pala may radio station din ako!
hi... got here through my friend's blog, and I must say.. You got me at bulitas. so I decided that I had to drop by you blog and see wat urs is all about. is that you on the background image (couldn't afford regular briefs huh?!) anyway, comment lang duon sa sticker. I'm pretty sure that the sticker was made out of the desire to make people realize that the music that the majority of people have been listening to on these radio stations are crap. I mean, mali nga cguro yung diskarte pero cguro he was trying to make them take notice since parang yun naman ang linggwahe na naiintindihan ng karamihan ng nakikinig ng ganitong mga estasyon. Kung iisipin mo tama naman sha. imbis na i-educate ng mga estasyon na ito ang kanilang mga tagapakinig eh lalo pa nilang hinihikayat ang pakikinig sa mga awiting walang saysay sa pamamagitan ng pagpapatugtog sa mga ito para lamang dumami ang tagapakinig. Eh kung lahat ba ng estasyon eh mag desisyon na magpatugtog ng mga magagandang tugtugin eh di mapipilitan din ang mga tao na makinig, ergo.. in the long run, maiimprove ang kanilang taste. kaya nya siguro nasabi na angat pinoy.. kase parang sa lahat na lang ng bagay eh patapon na tayo.. sa gobyerno, sa value ng pera, pati ba naman sa sining.. babagsak tayo lalo? inihaw, yan lang naman ang opinyon ko. sori sa taglish. dalaw ka sa blog ko. hindi kasing galing nito. pero dalaw ka na lang din
ang lupit naman ni keno, shet
ako ang tunay na nagdikit nun.hindi kung sino mang nagpapanggap na nagdikit ng sticker ad campaign ko sa bus.akin yun.akin ang konsepto.akin ang laman. freedom of expression lang ang ginawa ko.nakakainis naman kasi talaga ung mga jologs na radio stations na un.
Post a Comment