To Nene,
Thanks for the bruises and the scratches. See you soon. Don't worry. I'll be fixing your blog ASAP. Thanks for the effort to walk along the grassy lands of Makiling.
*****
Buhay na bang matatawag ang paglublob mo sa putik sa bukid sa probinsiya noong bata ka pa?
Buhay na ba ang pagkakaroon mo ng maraming libag sa batok noong naglalaro ka pa sa kalsada ng teks at patintero?
Sapat na bang matawag na buhay ang pagkakaroon mo ng madaming medalya sa elementarya at highschool?
Ang buhay nga ba ang naghuhubog sa pagkatao ng isang nilalang?
Buhay bang matatawag ang pagkakaroon mo ng maraming kaibigan?
Buhay bang matatawag ang pag-aaral mo sa Ateneo, sa Republican College, o sa UP?
Alin ba ang buhay para sa iyo?
Sabi nila Carpe diem.
Sieze the day.
Pero sapat na ba ang isang araw para masabi mong naisabuhay mo ang iyong buhay?
Buhay.Parang dila ang aking buhay.
Halos natikman na nito ang lahat ng mga lasa.
Para akong sketch pad.
Marami nang naiguhit na larawan.
May mga nasayang na pahina.
Marami nang mga iginuhit ang nakulayan.
Buhay ko na sigurong matatawag ang pagtawa.
Masarap tumawa.
Nakakabata. Nakakbanat ng pisngi. Nakakapayat.
'Di mo na kailangang dumila ng maraming mga selyo sa loob ng tatlong minuto sa post office para lang magbawas ng 2 calories sa iyong timbang.
Ang buhay ay pagtawa.
Tawa pa lang ulam na.
Pag may ulam ka na busog ka na.
Pag busog ka na, buhay ka na.
Wala pa ako sa kalahati ng buhay ko.
Alam ko iyon.
Hindi ko pa nahuhuli ang na Big Fish na nahuli ni William Bloom.
Hindi ko pa nakakalahati ang aking box of chocolates.
Marami pa akong pahinang susulatan.
Mga pahinang kukulayan.
Buhay na nga bang matatawag ang pagkakaroon ko ng blog? Ang pagsusulat ko dito? Ang pagsama ko sa makasaysayang poetry walk/writing promt exercises ng samahang LAYB?
Buhay na bang matatawag ang pagkakaroon ko ng maraming galos sa tuhod?
Paano mo masasabing natagpuan mo na ang buhay?
Sabi sa Bibliya, kapag natagpuan mo na ang buhay mo, natagpuan mo na ang kayamanan mo; panahon na para iwaksi ito.
Kayamanan. Buhay.
Ang kayamanang bubunuin ko habang humihinga pa ako.
Ang kayamanang hinahabi ko kasabay ng bawat araw at gabing pagsinghot ng maduming hangin ng mundo.
Ang kayamanang putik na paghihirapan kong sipsipin sa singit ng aking mga daliri.
Ang aking kayamanan.
Ang aking buhay.
*****
Hang-over ng writing prompt kaninang umaga.
Masayang magsulat tungkol sa makulay na buhay.
3 comments:
astig ng tula ah.oo, buhay na iyong mga iyon...para skain ang buhay ay pagdanas ng mga bagay bagay dito sa mundo.ito ng pagdanas ng mga emosyon na inde nararamdaman ng mga hindi buhay.buhay nga ang pagtawa, pagiyak,sakit,tuwa,lungkot atbp....
ang daming tanong, nahilo ko. alam kong maraming kokontra pero gaya ng tula mo, ang buhay ay walang hanggang pagtatanong. dahil malamang kung di ka nagtatanong, di ka nag-iisip. at kung di ka nag-iisip, kahit wag ka nang mabuhay. walang pinagkaiba. pero syempre di lang puro isip, kailangan rin makiramdam. lam mo, gamay mo na ata ang lahat ng uri ng emosyong posibleng magkaroon ang isang katawan. hindi ko lang maintindihan kung bakit pati usa nagawa mong pakawalan (ngek, rhyme! hehe. no na nga bang balita sa inyo)
happy easter!
Post a Comment