nakakabilib kung papaano hinaharap ng ating kapwa mga nagmamaneho ang nakakatuwa at nakakaasar na takbo ng trapiko dito sa ating bansa.
kanina lang ay pinagwawari ko kung paano nagagawa ng mga mama at aleng driver na mapangiti pa sa kabila ng nakakagigil na buhol ng trapiko sa 'tin.
Meron naman tayong traffic lights na gumagana, meron pa rin tayong mga pulis na nag-aayos ng takbo ng trapiko.
huh?! nag-ayos? (minsan nga pampasikip lang)
Marami tayong mga traffic signs sa kalsada, mas marami nga lang yatang pinoy ang malabo ang mata.
Maraming taong pasaway sa kalsada.
mukhang mas marami sila kesa sa mga sasakyan.
tawid na lang basta ng tawid, kahit na bawal.
maraming mga naghaharian sa kalsada.
pasimuno ang mga bulok na bus, na kahit banggain mo pa kapag naiini s ka na, e talo ka pa rin.
buko d sa malaki ang kanilang mga kaha, e wala namang masyadong mawawala sa kanila dahil malimit namang bulok bulok ang kanilang mga kargada.
nandiyan din ang mga jip na humaharurot.
mahilig silang mag drag-race sa mga kalsada.
pasaway pa dahil kung saan-saan nagbaba ng pasahero..
Minsan naman, kahit maliit, eeksena ang mga ticycle.
Di porke maliit sila ay di na sila nakakadagdag na pagkairita ng mga drayber.
madalas na sumingit at mag-over take ang mga ito sa mga lansangan.
Maging sa mga national highways nga ay nakikipagkarera pa sila sa mga bus. san ka pa?!
hay, kulang pa ang mga 'to sa haba ng mga hinaing ng mga nagmamaneho dito sa bansa. Marahil kahit pagdugtungin pa natin ang kalsada mula sa dulo ng NLEX hanggang sa dulo ng SLEX, di pa rin sapat para lamang sa mga hinaing ng mga motorista.
hay.
buti na lang pasensyoso masyado ang mga pinoy.,
antayin na lang nating magbuhol ang trapiko.
1 comment:
hay oo nga.kainis ang mga driver. (karamihan sa kanila) ang barubal masyado. Makinig na lang tayo ng drop it like its hoooooottttttttttt!!!!!!!!!!
Post a Comment