Katatapos lang naming mag-eulogy kanina.
Madaming namatay, (sa speech)
Madaming pinatay.
kasssama doon ang mga sarili ng mga speakers, o kani-kanilang mga persona.
Si Ivan, sa wakas, pinatay na rin si Mariah Carey.
*konting background kay Ivan- si Ivan ay ang aming classmate sa SPCM104 na super fan ng divang si Mariah. lahat ng Speeches nya si Mariah lang ang laman. Kung sa bagay, may consistency sya. Isa siyang panatiko, na sa wakas kanina lang, ay winakasan na ang buhay (at least sa speech man lang) ng kanyang super idol.
Paano nga kaya kung magkatotoong mamatay na ngayon si Mariah? Magkaroon kaya ng mass funeral? magkagulo kaya ang mundo? maging monumental event kaya yun? ewan.
Wala lang para sa'kin.
Di naman kasi ako masyadong nakakarelate sa kanya.
Oo hanga ako sa talento nya, pero di ko gusto ang ugali nya.
Isa si Mariah sa mga Foreigners na nag-astang maangas nung dumayo sa bansa.
Naaalala nyo pa ba nung mag charmed bracelet tour sya dito sa'tin, tapos inangasan nya yung mga personnel ng NAIA na nagbibigay sa kanya ng VIP traetment?
bwahaha!hindi gumana ang pag-aangas nya sa Pinas.
Hindi sya nun binigyan ng kahit ajnong VIP treatment, at pinag-stay lang sya sa Lobby ng Airport.Bwahaha!
Tinawag pa nya si Regine na brown monkey! (Para na rin nyang tinawag na mga brown Monkeys ang mga Pinoy.)
E dati naman siyang brown!
Hala! baka patayin nako ni Ivan.
peace tau.
I also admired Mariah's talent, but it's just that I dont like her attitude.
Wala lang. Ivan, Naapreciate ko ang hginwa mong pagpatay kay Mariah. At least sa speech mo.
Pero di rin ako magtataka kung isang araw buhayin mo siyang muli sa iyong pagkatao.
Araw-araw may namamatay sa ating pisikal na katawam. Buhok, kuko, laman, at kung ano-ano pa.
Malay mo baka mamaya mamatay na nga si Mariah.
yehey!
O baka naman ang idol mo na ang matigok.
o baka ikaw na ang susunod.
Naku!
Ewan.
masarap matulog sa ganitong kalamig na panahon.
.
Feeling Mariah
No comments:
Post a Comment