PAST BLOGS

2/18/2006

sumpa ng demigod

Ikaw ang nagsabing demi-god ako, na nagagawa ko ang maraming bagay nang sabay-sabay, na nagagawan ko ng paraan ang mga bagay;
pero ikaw din ang di naniwala sa mga sinabi mo.

Sumama ka sa kanya,
kay Adonis.

Hindi kailanman nawala ang kapangyarihan kong paligayahin ka.
Hindi kailanman nagtagumpay ang oras na kuhanin ka sa’kin,
Hindi, hindi pa.
Hanggang dumating si Adonis.

Nang dumating siya sabi mo nawalan ako ng oras.
Sabi mo wala akong oras pero naipagluluto pa rin kita tuwing tanghali.
Sabi mo wala akong oras pero nasusundo pa rin kita gabi-gabi kahit may sakit ako.
Sabi mo wala akong oras pero nagagawa ko pa rin lahat ng pinapagawa mo sa’kin.

Itinuring kitang diyosa.
tao ka na nagmistulang diyosa sa aking mga paningin.
Binansagan mo akong demigod.

Turing natin sa isa’t-isa ay mga diyos.
Mga mapagpanggap na diyos.
Mga huwad na diyos.
Ikaw, diyosa ng kagandahan,
Ako, ang diyos ng kabaitan.

Matagal ko ring inisip kung ano bang meron si Adonis na wala ako.

Wala.

Yun ang meron siya na wala ako.

Itinuring mo kasi akong diyos-diyosan.
Inilagay kita sa pedestal, inigay ko rin ako sa itaas.

Inilagay natin ang ating mga sarili sa lugar kung saan hindi na natin maabot ang isa’t-isa.

Pinilit kong gumamit ng kapangyarihan para maabot kang muli.
Pinilit ko pero nakalimot ako.
Tao pa rin pala ako.

Ako na naiwang nag-iisa at nagtataka sa pedestal.
Ako na di sinasadyang dapuan ng sumpa ng pagiging isang demigod.



************
Siya ba pinapayungan ka?
Ipinagluluto ka rin ab niya ng adobong sitaw?
Iginagawa ka rin ba niya ng paper para sa eng101?
Hatid sundo ka rin ba niya kahit hindi na siya nakakapasok sa klase niya?

Hindi kita sinusumbatan,
Gusto ko lang linawin ang mga bagay-bagay.

May bagyo raw, Adonis ang pangalan.
Parang siya, mukhang Adonis.
Ako? Hindi ako mukhang Adonis.
Simple lang ako.
Di kagwapuhan, di katalinuhan.
Pero may lamang ako sa lahat ng Adonis.
Mabait ako.
Tunay na mabait.

Kaya nga kaya kong tanggapin ang lahat ng pang-uuuto.
Yung magpapaluto ka ng ulam kahit may klase pa ako,
Tapos kapag nakahain na, sasabihin mo sa’king nakakain ka na sa Arega.

Yung papupuntahin mo’ko sa St. Therese para sunduin ka, tapos pagdating ko doon, nasa klase ka na pala at nakapag-quiz pa.

Yung yayayain mo’kong mag-dinner,
Tapos kapag magtatapat na’ko ng pag-ibig ko sa’yo,
Babanggitin mo siya.
Siya na mukhang Adonis.
Siya na sabi mo boring.
Siya na boyfriend mo na pala.

Hindi ako m,agagalit.
Hindi ako magagalit pero magdaramdam ako.
Magdaramdam ako pero hindi ako magagalit.
Magdaramdam ako, pero hindi ko ipapakita sa’yo.
Dahil mabait ako.

Ganito magmahal ang mabait.
Tumila na ang ulan.
Paalis na yata ang Adonis.
Yan nga yata ang hirap sa mga Adonis, bagyong darating, iiwan ka matapos makapanalanta.
Maaring makabangon ka matapos ka niyang salanatain.
Maaring matibay ka.
Pero ito ang tandaan mo,
Lahat ng Adonis, nagyong darating upang ikaw ay salantain at iwan sa huli.
Hindi ako Adonis.
Hindi ako bagyo.
Mabait ako.

Makuntento ka sana sa taong mabait.

-monologue ko na isinulat ng aking teacher na si Bb Layeta Bucoy

7 comments:

Anonymous said...

aww. sad naman. =(

jay-p said...

Mabuhay ka. I can relate.

jho said...

ayos ah! astig ka talaga! true to life ba to?

Anonymous said...

irvin parang tunay... st. therese? may pinatutunguan ka ba? o si mam lalie?
-jas

Talamasca said...

Long. But worth my time. BTW, what major are you taking up????

Talamasca said...

Long. But worth my time. BTW, what major are you taking up????

Unknown said...

im reading past entries...i almost forgot how wonderful you are in writing. naks wonderful. haha

aylab dis!

and for all its worth..."adonises" only exist in fairytales...i think they SUCK! ΓΌ

~klaubette
(kdee.blogdrive.com)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...