PAST BLOGS

2/10/2006

dahlia

ano ba'ng ikinakatakot mo?

pareho na tayong nasa wastong gulang.


ano ba naman ang pagdampi ng iyong katawan sa akin?
hindi ba't kapag giniginaw ka, yakap ko ang nagpapainit sa'yo?
oo, higit pa sa init na dulot ng saplot mo ang kaya kong ibigay.
mala-apoy? hindi.
ayokong mapaso ka.
katamtaman.
katamtaman ang init ko.
init ng aking katawan.

ano ba naman ang isang gabing magkayakap ang ating mga katawan.
ang iyong dibdib sa akin,
ang iyong tiyan sa aking tiyan,
ang iyong hita sa aking mga hita,
ang iyong init sa aking init.
hindi ba mas masarap yun?
lalo na't malamig pa rin ang panahon.

nagsalo na nga ang ating mga dugo kagabi.
oo, kagabi sa tiyan ng lamok.
sa tiyan ng lamok naging isa ang ating mga dugo.
dugo na mas matimbang pa kaysa sa ating mga pinagsalong pawis.
dugo na mas malapot kaysa sa pinaghalong mga likido mula sa ating mga katawan.

walang sinabi ang pagniniig ng ating mga pawis at laway sa pag-iisa ng ating mga dugo.

katawan na nga lang e!

katawan mo na lang ang hinihiling ko sa'yo.
ang init ng iyong katawan, ang iyong pawis, ang iyong laway.

nagawa na ngang mag-isa ng ating mga dugo, ano pa ang ating mga katawan?

isang gabi lang.

magaling kang manukso
pero mas magaling kang mambitin.

huwag kang mag-alala.
kaya kong panagutan ang iyong katawan.

6 comments:

Anonymous said...

sino si dahlia?!

Talamasca said...

Very well written... I dig this type of writing... So expressive and wordy... Kudos to you... :-)

ie said...

yun din ang tanong ko: sino si dahlia?

jay-p said...

nabasa ko yung parte ng lamok. Pede pala yun maging sensuwal.

bTW, I have linked you up, if u don't mind.

Anonymous said...

ang galing! ang galing!

na arouse ako... hehhehe

Anonymous said...

you made me smile! i landed to this blog since i googled my name - dahlia. Much too my surprise, i saw my name as a title in your post. I read through your poetic entry... wow.. hahaha you really made me smile. I wonder who's that dahlia you are referring too. It can't be me for sure since i don't know you. :) anyways, nice post... funny yet somehow sincere. You must have liked that girl named dahlia so much. :P

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...