PAST BLOGS

7/19/2005

Maling Akala

May limang daang piso ka nga,
ayaw ka namang pagbilhan sa tindahan, ayaw kang pasakayin sa jeep, di ka makakaain sa karinderya. naman.


****
Kagabi, naranasan ko ang isa sa mga pinakamasakit at masaklap na maaring mangyari sa isang tao- ang mabitin ang pag-tae.

Masakit sa tiyan, sa puson at sa kalooban. Ang hirap pala kapag pinigilan mo ang tawag ng kalikasan para pagbigyan ang iba mo pang gawain. Mahirap. Masaklap. Parang pera na, naging bato pa. (palabas, naudlot pa)


****
Natutunan ko na kahit gaano kakapala ng suwelas ng tsinelas mo, mapipigtas at mapipigtas pa rin ang strap nito.

-condolence sa tsinelas na sumapin sa paa ko ng mahigit dalawang taon.


****

...maliit na butas lumalaki, konting gusot dumadami.

1 comment:

Yax said...

ang kulit naman nito!!! lol
pero sabagay, tama ka nman talaga! :D

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...