PAST BLOGS

2/09/2005

Taga ng tenga

Hinabol ko siya ng itak.
Di ko na kayang manahimik pa.
Tatlong buwan ko na rin siyang pinagtiisan.
Ikaw ba naman ang tatlong buwan na murahin ng araw-araw.

Nag-init na lang talaga ang dugo ko. Ganun pala yun pag di mo agad inilalabas.
Para kang softdrink na nasobrahan sa kalog.

Pinigilan kong pumasok sa ulo ko ang mapilit na init nng araw nung tanghaling iyon.
Tahimik akong kumakain sa canteen ng dorm.
Kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata ang bawat buka ng kanyang bibig. Para bang ini-Slow motion ang bawat sandali. Tumatak na nang tumatak sa aking isip ang bawat buka, ang bawat maliliit na talsik na laway sa kanyang mga usal, ang bawat pagkinang ng mga talim ng kanyang mga ngipin sa akin. Tumatak lahat ng malinaw sa aking isipan.
Kaya ko pa sanang tiisin ang nakikita ko. Kaya pang burahin sa isip ang mga bagay na nakikita. Madali lang yun. Kaya lang mahirap kung ang mas tatatak sa'yo e yung mga boses at salita na lumalabas sa bawat buka ng kanyang bibig.

"Putang ina mo! "Pu_____tang____ina___mo!"
Hind niya ako tinigilan hanggang sa umakyat halos lahat ng aking dugo sa aking ulo.
Kaya kong magtimpi hangga't kaya ko.
Pero sobra na siya.
Naging blangko bigla ang lahat.
Nagdilim ang paningin ko.
Akala ko nabura na siya sa isip ko.
Narinig ko na naman siya.
Putang ina mo!
Pabulong, pero sadyang malutong.
Malas niya.Tumatak na sa isip ko ang mga inusal niyang salita.
Pu___tang Ina mo!
Sa isang iglap naging siya lang ang tao sa aking paningin.
Tumakbo ako palabas ng canteen.
Hindi ako tumakbo para umiyak.
Wala yun sa prinsipyo ko.
Kinuha ko yung malaki kong itak sa kuwarto, sabay dampot ng isang malaking pako.
Dirediretso kong tinungo pababa ang canteen na walang ibang nasa isip kundi tagain siya.
Kaaway ang tingin ko sa kanya nang mga panahomnh iyon.
Masahol pa sa terorista at sa mga militar na nanggugulo sa aming bayan.
Masahol pa siya sa demonyo ng mga Kristiyano.
Nakita ko ang pagkagimbal sa kanyang mukha.Hindi awa ang nadama ko kundi mas matinding pagkamuhi.
Para na siyang pinako sa kanyang kinalalagyan mula nang makita niya akong may dalang itak na papalapit sa kanya.
Wala na tong atrasan. Wala na kong pakialam sa sasabihin pa ng iba.
Nang akma ko nang itataga ang itak sa kanyang katawan, biglang may kung anong puersang nakialam at ako'y natalisod.
Tumarak pa rin naman ang nangangati kong itak.
Yun nga lang, sa katawan ko siya nahimlay.
Nang ako'y nadapa, madaling naglapat ang katawan ko at ang itak.
Madali naman akong nahugasan ng dugo.
Unti-unti, biglang nagbalik sa akin ang aking ulirat. Luminaw ang lahat.
Madami pa palang tao.
Nakapalibot silang lhat sa akin.
Parang nung bagong sal;ta pa ko sa dorm at nung manalo ako bilang kauna-unahang presidente ng bagong bukas na dorm. Landslide ang pagkapanalo ko nun.
Ngayon, mukang magkaka landslide ulit.
Landslide na boto para patalsikin ako ng dorm.

Dinala ako sa infirmary.
Dinala ako sa tanggapan ng mga pigoy.
Kinasuhan ako.
Kamuntikan pang mawala ang Scholarship ko.
Totoo nga.
Pinalayas ako sa dorm.
Lahat sila tingin sa'kin berdugo.
Sumikat ako. Umalingawngaw ang pangalan ko sa loob at labas ng unibersidad.
Nakatakda na siguro akong sumikat.Noon pa man nakabuntot na sa'kin ang mga intriga. Laging may dalang ingayu ang aking pangalan. Para akong showbiz personality.
Noong highschool, wala nang ibang pinansin ang mga guro at kaklase ko sa paaralan kundi ako. Lagi na lang tinatawanan ang pangalan ko. Lagi na lang akong minamaliit. Lagi na lang akong minamata. Lagi akong pinag-uusapan. Muslim daw kasi ako.
Muslim ako.
Lumaki ako sa isang magulong bayan sa Mindanao. sanay na'ko sa putukan. Bata pa lang kami sinanay na kaming humawak ng mga armas. sanay akong gumamit ng itak. Sanay akong makipaglaban para sa aking paniniwala.
Wala akong inuurungan.
pero pinili kong mangibang bayan at makipagsapalaran para sa edukasyon. Naniniwala akong babaguhin niyto ang aking pagkatao. Ang aking mga paniniwala. Inisip ko noon na mababago ng edukasyon ang aking pagtingin na kaaway lahat ng mga kristiyano.
Pumasok ako ng Ateneo sa Davao.
Ang napalo ko, diskriminasyon.
Pumasok ako sa unibersidad ng Pilipinas.
Ang inaasam kong malugod na pagtanggap at bukas-isip na magtangkilik ay gumuhong lahat dahil sa insidenteng iyon.
Ang ginawa ko ng isang hapom pinagbayaran ko ng dalawang taon.
Pagkatapos akong patalsikin sa dorm, wala akong ibang mapuntahan. Bahay, School at Mosque lang ang ruta ko. Kapag lalabas ako at kakain sa labas ng Campus, literal na nag-aalisan ang mga tao.
Sumikat talaga ako noon sa campus.
Ang akala kong diskriminasyon sa mga eskwelahan na sa tv at pelikul;a lang naman nangyayari ay nagkatotoo para sa akin.
Muslim kasi ako.

walang pumapansin sa akin. Wala akong kaibigan.
literal akong nag-iisa.
Dal;awang taon.
Isipin mo na lang ang bigat na nararamdaman ko noon.
Sana natuluyan na lang ako nung nataga yung katawan ko.

Mahirap ang walang kaibigan.
Ngayon, graduating na'ko.
Matagal bago ko nabago ang aking reputasyon sa Unibersidad. Isa-isa kong nilapitang lahat ng taong naagrabyado ko.
Bagama't mailap sila 'pag nakikita nila ako, hinahabol ko sila, hindi para tagain, kundi para humingi ng tawad at ipaintindi sa kanila ang naging kalagayan ko.
Unti-unti, gumagaan ang pakiramdam ko.
Unti-unti parang bumabalik na'ko sa dati.
salamat sa mga Comm Arts people at binigyan nila ng bagong imahe ang aking pagkatao.
Pinasali nila ako sa kanilang play sa campus.
Unti unti nhang nabura sa alaala ng mga tao ang madugong insidente noong mainit na tanghaling iyon.
Tama ako.
Madaling burahin sa alaala ang mga nakita ng mata, pero mahirap ang mga ipinadama ng damdamin at ipinarinig ng tenga.
Parang tagang tumutusok sa pagkatao ng isang nilalang ang mga inuusal ng bibig. Tunay ngang mapanganib na sandata ang dila.Nakasusugat.

Ngayon, masaya na ko sa piling ng asawa ko.
salamat kay Allah.
Alam kong may matututunan ako sa pangyayaring iyon.Matagal nga lang bago ko nakuha ang gusto niyang iparating.
Dapat mas naging pasensiyoso pa ko. isa pa, mas mapapasama pa lalo ang pangalang ng vmga muslim sa bansang ito kung nagkataong nakapatay nga ako.
Hindi na'ko nanghahabol ng itak.
Binago ako ng karanasang iyon. Alam ko, binago din nun yung taong muntik ko nang mataga.
-P.




*Ang istoryang ito ay hango sa kuwento sa'kin ng isang kaibigang Muslim. Medyo Minodify ko lang ang ibang bahagi pero tinira ko ang essence ng kuwento.

6 comments:

Anonymous said...

ANG HABA NAMAN. -QUEL

Anonymous said...

hmm, this is leiandy, ive already linked youe site...

link me please....

leiedgekun.blogspot.com

thanx..

Anonymous said...

Hmmmm, parang kilala ko kung sino yun ah. Totoo yung itak incident? - ilia

Anonymous said...

opo. totoo ung itak incident. =P

Anonymous said...

exciting.

Anonymous said...

ang astig ng iyong blog...
galing ng konsepto at pagkabuo...

clap* clap* clap*

- myke, www.tabulas.com/~sigamik

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...