PAST BLOGS

1/20/2005

Vastos va si Varna?

Kahapon, nanood ako ng matinee showing ng Varna and Friends.

*Ang Varna and Friernds ay isa lamang sa mga sangkatutak na stage play productions sa UPLB ngayong season.*




Sabi ko sa sarili ko, bago ko sapilitang langhapin ang nanghihigop hiningang hangin sa loob ng DL Umali Auditorium, ay mag rerelax ako. Mag -eenjoy, at di masyadong mag-iisip ng kung ano-ano.
Alas tres.
Di gano'ng madami ang mga tao sa labas.
Medyo nasa unahan pa nga ako ng pila. Nakakaaliw isispin na lahat ng uri ng audience ay naakit ng mga makukulay ng posters ng play. Sa labas ay may isang pila ng mga matatandang mukhang pinagpaliban ang pakikipag tong-its at pakikipag chikahan sa kapitbahay para lang masaksihan si Varna.
Meron ding pila ng pamilya, *mga estudyanteng wala nang ibang choice kundi panoorin ang play sa oras na iyon dahil sa kanila ring sariling production, mga estudyanteng excited lang na manood para maikwento nila sa mga kaibigan at kaklase ang mga mangyayari sa play para magmistulan din silang bida kahit sa konting sandali, at sa may bandang una pa ng pila, may napansin akong mag-ama na mukhang nagtabaan na ang mga muscles sa binti sa kahihintay ng 10 minutes na palugit sa labas bago papasukin ang mga tao.
Ang mag-ama sa may unahan ng pila ang nakakuha ng lubos kong atensyon bago pa man ako makapasok ng teatro.
Nakita ko ang kislap sa mga mata ng bata. Excited na makita ng totohanan ang mga makukulay na karakter sa mga posters.
Excited na rin sigurto yung tatay na matunghayan ng anak ang supoposed-to-be-moral-lesson ng palabas- Friendship.

Bwahaha.
Natawa ako sa mga unang bahagi ng palabas. Witty ang mga punch lines. Mga pasimpleng patama sa iba't ibang mga personalidad sa campus.
Inispoof din nila ang recruitment process ng karamihan sa mga orgs sa unibersidad.
Naka relate ako dahil naranasan ko ang ilan, o karamihan marahil, sa mga pinakita nilang mga "pangungupal" ng mga aplikante.
Tawa ako ng tawa.
Kailangan e.
pahinga muna sa sarili naming prod.
Sa katatawa ko, napansin ko sa may sulok ng linya ng mga upuan sa aming harap ang mag-ama na nakita ko kanina sa may pintuan ng DL.
Nakita kong bimnubulungan ng ama yunbg kanyang anak, marahil pinapaliwanag ang ilang mga maseselang bagay na mapapanood sa play.
Hindi naman kasi pambata ang play.
Dapat ay naglagay man lang ng warning sa poster, o di kaya'y paalala na kailangan ng patnubay ng matatanda sa panonood nito. (kunbg sa bagay, as if naman na magiging posible un, e ang target naman nilang mga manonood ay karamihan na mag mag-aaral sa Unibersidad.)
Pasaway kasi ang play.
Ang pinaka layunin nito ay mapatawa at kilitiina ang mga subconscious ng mga manonood.
Maraming mga bulgar na pagmumuyra.Maraming mga bastos na sssspananalita at kilos. Maraming mga hindi pambata na mapapanood.
Mga pang utak-kolehiyo ang kanilang mga jokes at kilos.

Habang binabalot na ng halakhak at hagikgik ng mga tao ang mga sulok-sulok ng teatro, ay nakikita ko ring hirap na pinagtatakpan ng ama ang namumulat nang mga mata at tenga ng kanyang maliit na anak.
Naisip ko tuloy bigla, Paano kaya kung ako yung nasa kalagayan nung tatay?
Hmm...
Diko alam. Mahirap nga yun. Nakita ko ang hirap niya sa pagpapaliwaqnag ng mga "Lessons" ng story para naman kahit papaano ay maintindihan ng kanyang anak ang mga nagaganap sa teatro.

Ntapos din ang tatlong oras ni Varna.
Tinapos ng mag-ama, tinapos namin, tinapos ng mga lolang lalo yatang nangulubot ang mga mukha.
Ako? gutom na. May rehearsals pa kami immediately.
Nakapagpahinga naman ako at nakapag-relax sa palabas.
Literal akong nakatulog sa ilang mga tagpo.
Medyo dragging.
Pero ok lang, at least nakapag-relax ako at nag-enjoy.
Ang mag ama? Mukha namang nag-enjoy din sila(kahit papaano).
Bilib ako sa tatay na mukhang nadaan sa magandang paliwanagan sa anak ang nilalaman ng palabas.
Paano kaya kung ako na ang nagkaanak?
mahirap nga yun.
Ok lang. mukha namang natuto yung bata ng Friendship.
Friendship na tumalo kay Dark Invader.
Bwahaha
.


Malapit na ang prod namin. Manood kayo. Suportahan niyo kami.-Tilamsik ng Dugo.
Titilamsik na sa pebrero 2 at 3.
3pm and 7pm.
Sa DL UMali auditorium, UPLB.

Mahirap magpalaki ng bata.=P

1 comment:

Anonymous said...

ang tagal magdownload ng site mo lalo na pag naka-dial up lang ako. napanood ko varna, dragging.pk nung simula, nakakabagot nung huli.-quel

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...