Magtyatyaga na lang ako sa Coop!!!
Nang magbalik ang aking mga paa (sapatos actually) sa mga "trimmed at proper" na damo ng ateneo, naisip ko agad ang elbi. Ang mga pasaway nitong mga damo (talahib na nga actually) at ang ang mga umuubong jip.
Ang jip.
ang jip.
Namiss ko talaga ang jip ng elbi kumpara sa tricycle ng ateneo.
Biyernes pa lang nasa ateneo nako para sa taunang IVs, debate tournament.
(buti na lang mag aadjudicate lang ako ng debate.)
maganda sa pugad ng mga agila.
berde ang kulay.(la salle ba ito?!)
madamo kasi.
para ngang elbi.
aaminin ko, namangha ako sa kanilang pugad.
ang gaganda ng facilities! humihiyaw nga ako ng asteeeeeggggggggggggg!!!!!!!!!!!!!!
(pero siyempre sa isip ko lang)
(baka mag feeling sila! =p)
aba, kumpleto sa gamit bawat classroom.
kung sa pugad naming mga Parrots ay nangangapa kami at nag-aagawan sa iilang OHP at LCD, sa kanila ay provided na lahat. May OHP, May LCD, may TV, may pintuan, may bintana, may mga chekwang estudyante... may english na rising palagi ang intonation, at marami pang iba.
Nagutom bigla ang aking paningin sa mga nakita ko.
"sana may ganun din sa skul namin..."
balang araw.
sabi ko sa sarili ko.
pag may billboard nako sa EDSA, mag dodonate ako ng building sa elbi.
naisip ko tuloy ang katotohanan sa likod ng sinasabi nila na mas may edge na raw ang mga agila sa mga parrots dahil sa tulong ng pera at teknolohiya.
posible.
pero hindi pa rin.
Oo nga't maaring nasa kanila ang lahat, pero kapag nasa pugad ka nila, para kang nasa utopia.
Para kang nasa isang mundong malayo sa kamalayan at pangyayari sa labas.
Parang kang nasa asul na pugad na yari sa kutson.
kawawang mga agila.
nasa third world country tayo!
Ang pugad ng mga parrots, bagama't matalahib man at maalikabok kung turing ng iba, eay sumasalamin sa mga pangyayari sa labas.
sa gubat.
hindi ko alam kung bakit ako kinati na i-type ito, kahit na mahal ang internet dito sa Netopia.
(biruin nyo, 40Php per hour!)
mga kapitalista talaga!
(kailangan ko nang magmadali)
Ang mga parrots, pag inilabas mo sa mundo, di maninibago sa gubat.
Sanay.
maabilidad.
Di ko naman sinasabing walang abilidad at diskarte ang mga Agila, magaling lang sila sa basketball. (huh!)
Ang sinasabi ko, mas lamang lang ng konti,
konti lang,
mga isang libong Milya lang
ng abilidad ang mga Parrots sa mga agila.
wehehe.
siyempre bias ako.
balik tau sa elbi.
sa elbi, pag naguto ka, marami agad makakainan na mag-aadjust sa bulsa mo.
sa ateneo, mag adjust ka!
sa elbi, may coop, (though tambayan na lang ito madalas, pang ateneo kasi ang presyo) may Papus at marami pang ibang kainan na xpress ang service. Nandyan din ang mga stalls sa Physci at Biosci.
sa ateneo.
sa ateneo, mag adjust ka!
sa elbi, may coop, (though tambayan na lang ito madalas, pang ateneo kasi ang presyo) may Papus at marami pang ibang kainan na xpress ang service. Nandyan din ang mga stalls sa Physci at Biosci.
sa ateneo.
Maraming Vendo.
Maarte ang Vendo.gutom ka na't lahat,
d ka makakakain.
di tumatanggap ang vendo ng perang papel na ang taon ay 2004.
Maarte ang vendo.
pag wala kang barya, umiyak ka na lang sa sulok.
baka may maawang atenista sayo.
Namura tuloy ni Patricia Evangelista yung Vendo.
"Fuck this Vendo!"
o diba, ang taray.
astyig ka Pat!
la nga lang lumabas na pagkain sa Vendo matapos magmura ni Pat.
"Fuck that Vendo!"
Buti pa ang Coop.
Pag minura mo yung tindera, baka batuhin ka pa ng pagkain.
Maarte ang Vendo.
d ka makakakain.
di tumatanggap ang vendo ng perang papel na ang taon ay 2004.
Maarte ang vendo.
pag wala kang barya, umiyak ka na lang sa sulok.
baka may maawang atenista sayo.
Namura tuloy ni Patricia Evangelista yung Vendo.
"Fuck this Vendo!"
o diba, ang taray.
astyig ka Pat!
la nga lang lumabas na pagkain sa Vendo matapos magmura ni Pat.
"Fuck that Vendo!"
Buti pa ang Coop.
Pag minura mo yung tindera, baka batuhin ka pa ng pagkain.
2 comments:
wahaha!!! sa elbi me ralph, sa ateneo wala. AY!!!! SA ATENEO NA LANG TAYO!!!! hahaha!
partner!!! lipat na talaga tayO!!! ayan dahil luv kta, 2 comment agad. hdhehe! -neko
Post a Comment