PAST BLOGS

1/31/2006

give up, grow up

dapat hindi ako manghihinayang,
pero nanghinayang ako nang hindi namin natapos ang don't give up on us na pelikula ni juday.
una, dahil matagal ang lagarista ng sinehan.
ikaw na ang maghintay ng rolyo ng pelikula mula calamba hanggang los baƱos.
ok na sana kahit mukhang pirated yung sinehan e, (pa'no ba naman, bumabaligtad yung screen, tapos minsan nawawalan ng sound) kaso may mga puwersa na pumigil sa'ming tatlong mga roomies na manood.
choices.
yep. we did our choices. manood ng pelikula despite our commitments, sa una nagmamatapang pa kami, pero sa huli, nagpadala rin kami sa tawag ng trabaho.
naman.
hay.
panghihinayang.
sa mling panonood ko ng pelikula, hindi ko na kukupalin sina juday7 at piolo.pramis.iiwan ko na ang utak ko sa apartment para ma-enjoy ko ang movie in its raw form.
mga romies, pasensya.
babawi tayo.
anyways, we did our choices.
buhay nga naman, isang malaking choice.
********************
nalala ko lang si vina morales, nakakahinayang na mula nang masobrahan siya sa steroids nasira na ang career niya.
nang mag-muscle siya (i mean nang magkaroon siya ng super biceps at triceps), nag-iba ang timbre ng boses niya, at naging endorser na lang siya ng energy drink ng pilipina.
****************************
kumusta naman si camille pratts?
hay. ang munting prinsesa hindi na nag-grow ang roles.
hay.
at kahit pa FHM cover girl siya ngayon, hindi ko pa rin maalis sa kanya ang teeny-bopper roles niya.
at kumusta naman ang bago niyang pelikula- ang batang bangketa
hehe.
bata pa rin ang role.
**************************************
kumusta naman ang pangsho-showbiz ng post na ito.
wah. nakakaloko ang mga pangyayari. windang.
******************************************************
*roomies- naging tawagan naming mga magru-roomates, kasama ang mga nakikiroommates.
*************************************************************


camille, ang babaeng bangketa.

1/29/2006

tinta

Anino kang parte ng katauhan
Plemang pilit inaalis sa lalamunan
Ubong pinipigilang ilabas
Suka na sa bibig nagpupumiglas

Alaala na iniiwasan
Larawang binubura sa isipan
Misteryong hindi makatakas
Damdaming nais makaalpas

tinta ka na pilit binubura sa isipan
sa pag-aakalang makakamit ang kalayaan

Subalit ang tinta na
Inakalang kumupas na’t nawala
Kumalat, kinulayan muli ang aking gunita

1/28/2006

punches

there are three things that you can't hide in life: cough, poverty and love
-il mare, movie
*********
E ano kung pumiyok yung singer ng national anthem sa match nina Pacquiao at Morales?
Ayos na rin na kahit isang araw mistulang nagkaisa ang mga Pilipino.
Congrats kay Manny Pacquiao!
***************
Umulan ng malakas noong araw ng pagkamatay ni Ernie Baron.
Nabasa ang mga antenna, inanod ng mabilis ang mga alaala.
Sumalangit nawa ang kaluluwa ng taong itinuturing na encyclopedia of media sa Pilipinas.
*******************
Kumusta naman ang biglang pagkalat ng mukha ko sa campus?
Dumadating na lang ang publicity nang hindi mo inaasahan.
Abangan si Joel in the Palace.
***************************
Para sa matured na nagkatawang bata:
Hindi ko sinasadyang sugatan ang mura mong puso.
Gusto kita.
Naaaliw ako sa'yo.
Pasensiya.
Hindi ko pa lang talaga maalis sa isip ko ang enigma na dulot niya.
*******************************
Tama, kailangan lahat balanse lang.
Yin-yang.
Kapag napaglalaruan ka na, makipaglaro ka din, kapag nawawalan ka na ng pride, ibalik mo.
Hindi mo kailanman dapat pabayan ang sarili mo para sa kanya.
*************************************

Bira lang ng bira sa laban ng buhay!

1/22/2006

goiter

    Anong ginawa nila sa’yo?
    Anong ginawa mo sa sarili mo?


    Tiya: Walang may kasalanan.


    Kung nagtrabahao ba naman kasi kayong lahat ng matino, hindi iyon mangyayari sa kanya!


    Tiya: Desisyon niya ang lahat.


    Tungkulin, hindi desisyon.. Kinailangan niyang magtrabaho para buhayin kayo.


    Tiya: Igalang mo naman kami.


    Bigyang respeto niyo naman ang nanay ko!


    Tiya: Maniwala ka, humihinga pa siya nung sunduin ka namin sa bahay.


    Bakit kasi ayaw niyo pa akong pasamahin sa ospital? Bakit sabi niyo sa’kin ok lang siya?!


    Tiya: Ayaw naming mag-alala ka.


    Ano ba ang nagawa ko’t ayaw niyo kaming paglapitin ng nanay ko?
    16 years! 16 years kaming nagkalayo nang dahil sa inyo.


    Tiya: Walang may gusto ng pangyayari.


    Wala. Wala na siya. Wala na rin ang tatay ko.


    Tiya: Tutulungan ka naming hanapin ang tatay mo.


    Kaya niyo bang buhayin ang nanay ko?


    Tiya: Masyado kasing malihim ang nanay mo.


Haharap sa kabaong.

    Hindi ka kasi nagrereklamo sa kanilang pang-aabuso.


    Tiya: Ang alam ko may naiwan siyang sulat. Baka may detalye dun kung saan matatagpuan ang iyong ama.


    Kalimutan niyo na ang aking ama.
    Ibahin niyo ako.
    Hindi ko pinangarap na yumaman sa pera ng iba.


Haharap sa kabaong ng ina.

    Hindi ko pababayaan ang sarili ko.
    Huwag kayong mag-alala. Hindi nila ako maaano.

1/19/2006

remote remorse in reminiscing

She wore the same skimpy camouflage shorts matched with a tight-fit tank-top on the soldier video.
24 year old Beyonce flashed her mesmerizing sexy aura on me.

She gave me a warm kiss as she positioned herself on my lap.
She ticled my ear with her soft whispers.
I reciprocated her actions. I gave her a soft caress on the thighs.
I drove my lips all over her neck down to her chest.
I felt her body undulate as she kept pace with her panting.
I felt her hands on my chest.
My lips found hers and we exchanged passion through our breath.

After more or less five minutes of sharing passion, she looked at me innocently and spoke about herself.
At first I thought we were conversing in english, but it was not purely english at all.
The language of our discourse appeared as if it was distorted american, mexican and filipino english.

She arranged herself in such a position that she can fully see my face.
She started sharing things about herself.
She told me about her relationship with her boyfriend.
She told that although her boyfriend provided her wiyth almost every materiual thing that she needs, she felt incomplete.
She was spontaneous about herself.
She told me things about her family, her friends, and almost anything about herself.
It appeared to me as if she made a total self disclosure and then cried.

She gave me another kiss and thanked me for the attention that I've been giving her, that it's more than enough than making her the queen of the world.

"I have to go. I have work to do. bye."

She gave me another kiss on the cheek before she wore her face mask and left me alone, sitting on the couch, watching the soldier video.

1/16/2006

elesi

maraming mga bagay ang maaring maging sanhi ng paghinto ng ikot ng electric fan.

maaring overheat.
maaring sobrang dumi.
maari ding huminto ito dahil sa sobrang gamit.
maari ding sa makina.
maaring nawalan ng kuryente.
marami.
maraming maaring dahilan kung bakit humihinto ang isang bagay.

maaring naabuso ang electric fan.
maari ding huminto ito dahil sa sira sa makina.

maraming dahilan sa kabila ng bawat pangyayari sa mundo.

may mga dahilan ang nangyari kay
marlon "along" villanueva
na napaslang sa hazing ng APO nito lang biyernes.

1/15/2006

ilang-ilang

nilanta na ng tubig ang mga bulaklak na handog mo.
marahil ay nainip na ang mga bulaklak sa di gumagalaw na tubig.
araw-araw nalalagasan ng isang talulot ang bawat bulaklak.
gabi-gabi dahan-dahang humahalo sa tubig ang naagnas na mga talulot.
kailan ka muling maghahandog ng bulaklak?

1/13/2006

doormat

The milk spilled as the bottle fell from his shaking hands.
He reached for the bootle using his elbows as he secured both children in his arms.
The phone rang.
He reached for the phone with his other hand and sandwiched the mouthpiece between his right cheek and shoulder.

What? I already have two with me! Why? What happened?
Oh darn It!
Screw that guy. I told you, there's something wrong with him!

Lucky You! I like kids.
Ah! Ok,ok. Just bring him here.

As the phone landed on the lake of spilled milk,
all the other babies from the room across him did a chorus of screams.
Baby blocks and milk bottles rolled in frenzy across the room.

The sound of the doorbell disturbed his
steaming oblivion from chaos.

He opened the door.
A pair of almond-cut eyes greeted him.
The figure was silent, as if examining the stranger in front.

Slowly, he carried the innocent in his left arm together with another wondering child.

If not because of your mother, you could be placed on one of the lonely cribs of the orphan houses.

When will your mother learn?


***************************
at aalis, magbabalik
at uulitin sabihin
na mahalin ka't sambitin
kahit muling masaktan
-nobela, join the club

1/12/2006

aut-o(f) focus

bakit kapag nilelet-go mo nag-fefade?
ayos naman 'tong shutter a?

di naman kita iiwan.

ang kulit naman nitong lens mo, ang hirap mag-focus!

kung saan-saan ka pa kasi tumitingin.

o, ayaw pa mag-click!

kasi naman mali ang pagpindot mo.

ayan, pwede na. picture tayo!

sana maayos kapag na-develop.

1/10/2006

hopes of a teeny-bopper

you're not just a friend, you're a treeasured one.
**
i don't want our friendship to just "poof" into thin air.
***
sana maintindihan mo, "friends" lang talaga.
****
after ng ilang minuto,

uhm, but i'm not closing my doors to the possibility that...you know.
*****
alam mo, nung first time kasi na nag-usap tayo, i insantly felt na magiging special ka sa'kin. i thought that i'll be traesuring this person.
kaya nga hindi ikaw yung tipong basta-basta ko na lang kalilimutan at ile-let go.
******
lahat galing kay girl.
*text may vary from the actual words uttered by the persona.

1/07/2006

migrane

ang hirap 'pag di matukoy ang pinanggagalingan ng sakit.
kahapon pa'ko pinupukol ng kirot sa ulo.
mapilit kasi 'tong utak ko.
sinabi nang wag munang mag-isip.

di kaya nasobrahan ako sa nalanghap na insenso?
pa'no ba naman, pag-uwi ko ng bahay kagabi, nilulunod ng usok ng insenso ang buong bahay.
may mga nakikita daw silang kung anong elemento sa bahay.
baka sumapi sa'kin yung elemento.
ewan.

mahirap kapag minsan itinatanggi ng utak ang mga bagay na dapat iniisip at hinaharap.
gaano ba kahirap tanggapin at harapin na ang isang bagay na gustong-gusto mo at inaakala mong mapapasa'yo na ay unti-unti nang naglalaho at malapit nang mag- "poof" into thin air?
wahaha.

magulo ba talaga ang mga babaeng nagsisimula ang pangalan sa letrang "r" ?

ang hirap talaga kapag ikaw lang sa pamilya mo ang nakakaintindi sa course mo.
mas mahirap kapag ikaw ang takbuhan ng lahat.
assignment dito, project dun.
dapat may masterals na'ko sa paggawa ng assignments at projects ng mga kamag-anak ko e.

bakit ba kasi nalimutan kong ipa- contercheck yung id ko sa library, ayun, pinalabas ako sa library ng college of business ad sa diliman. di daw ako enrolled. ang kulit nung matandang babae.
hinayaan ko na lang. malamang nasa menopausal stage na.

puno pa rin ng usok ang utak ko.
kailangan ko ng espiritista.

kung iisipin mo, di naman tayo ganito...
teka muna teka lang, kailan tayo nailang?
tinatawag kita, sinusuyo kita,
di mo man marinig, di mo man madama.
o kay tagal din kitang minahal...
o kay tagal din kitang mamahalin.

-burnout, sugarfree,

1/01/2006

Same Ground

Malayo man, Malapit din


Wala naman pala talagang masyadong pinagkaiba ang pakiramdam sa mga lugar dito sa Pilipinas.
Ang ulan sa Ilocos ay tulad din ng ulan sa Cubao.
Ang init ng panahon sa Laoag ay para ding init ng panahon sa Laguna.
Ang paglalakad sa Vigan ay para ding paglalakad sa Luneta.

Isa lang yan sa mga bagay na natutunan ko sa aming Ilocos Christmas trip.
Eto pa ang ilan:
    Astig magpasko sa taas ng bundok

    Kahit gaano pa kahaba ang biyahe, (10++ oras papuntang Ilocos) makakarating at makakarating ka pa rin sa paroroonan.

    Masarap tumaba sa gulay at kambing. Puro gulay kasi ang ulam namin nung bakasyon.

    Walang kasing sarap ang kamatis at mga gulay na pinipitas lang sa bakuran ng bahay.

    Matamis din pala ang mga puting suha na napipitas lang sa tabing-bahay ng pinuntahan namin.

    Walang pinagkaiba ang paskong tinapay at coke lang ang noche Buena at noche buenang fiesta sa pagkain; ang mahalaga, masaya kayo.

    Masarap ang empanada at Miki sa Batac.

    Naging Ms Fort Ilocandia pala si Francine Prieto.

    Walang pinapatos ang dagat. Pati t-shirt ko noong nag-beach kami tinangay niya.

    Ayoko ng pinipilit akong mag-picture ng mga bagay na ayaw ko. (E pano, yung tatay ko, kung ano-ano ang pinapapichuran sa’kin.)

    Hindi masayang mag-pose sa gitna ng intersection sa Vigan. Hindi. Hinding-hindi.

    Gusto kong magka-bahay sa isa sa mga bayan sa Ilocos. Siguro sa Vigan o kaya sa Laoag. Astig dun. May malapit ka na sa beach, malapit ka pa sa bundok.



    ***************************************
    Digress.
    Napansin kong nahihilig ako sa lists lately. Well, mas madali silang gawin kaysa paragraphs.
    ****************************************
    Ang bilis talaga ng oras.pasukan na naman. wala pa ako sa acad mode. kumusta naman ako. wala pa akong storyline para sa playwriting class ko.
    ****************************************
    Hapiniuyirsamgataosamundo!=P
    stilw8n4a*2fol
    Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...