PAST BLOGS

3/31/2005

Pagkabuhay mula sa Pagkaanod

Hindi nalunod si Dulce.

Nandoon ako noong araw na mahulog siya sa balsa.

Nandoon ako nong araw na sinira ng bagyo ang balsang sinasakyan niya.

Sinasakyan nila.

Nakita ko may kasama siya doon.

Nakita kong umiiyak ang kasama niya nang tangayin siya ng mga alon.

Tinangay sila ng mgha alon.

Wala akong narinig kay Dulce.
Wala na akong narinig pero nakita ko siyang lumalangoy.

Pinilit niyang lumangoy pabalik sa kasama pero may nakapitan na itong trosong palutang-lutang.

Pinilit niyang lumangoy pabalik sa kasama pero malakas ang hampas ng mga alon.


Hindi nalunod si Dulce.

Nakita ko ang pagpipilit niyang lumangoy.

Pinilit ni Dulceng balikan ang kanyang kasama pero nagpatangay na ito sa alon.

Mag-isang nilangoy ni Dulce ang dagat.


Humupa ang bagyo.


Nakita kong nakahandusay si Dulce sa isang isla.

Nakita ko siyang nakahiga na puno ng buhamngin ang katawan.

Nakita ko siyang nakahiga sa isang islang may gubat.

Nakita siya ng isang usa.

Nakita niya ang usa.

Nakakita siya ng kasama.

Hindi nag-iisa si dulce.

Kahit madalas naglalaro angv usa.

Kahit madalas, di sila nagkakakitaan sa gubat, sa isla.

Alam kong alam ni Dulce na magkikita din sila.

Di na niya nasilayang muli ang dating kasama sa balsa.

Paminsan-minsa'y namamalikmata siya sa dalampasigan.

Pero wala na. Tinangay na ng alon ang kasama niya sa balsa.

Naghintay din naman siya ng sasagip sa kanya sa isla.


Maraming hayop sa gubat, sa isla.

Buhay si Dulce.

Hindi siya nalunod.

Siya'y inanod.



ang taong nalulunod, hindi titigil sa paghingi ng tulong
-tadhana

3/30/2005

Kung

"Bakit pa kasi ako napamahal sa'yo.
Di sana ako naghihirap ng ganito."




Tutugtog ang Kung ako na lang sana ni Bituin Escalante sa Background.


Kakalabas lang nilang lahat sa classroom. Nagpaiwan ako para makaranas ng katahimikan.
Maingay sa labas.
Mainit sa labas.
Buti na lang nasa third floor ang classroom namin. Kahit papaano'y may hanging nagpaparamdam sa'yo sa kabila ng matinding init ng katanghalian.

Ginayuma yata ng hangin ang lahat ng mga tao sa labas.
Lahat iritable.
Pinaghalong amoy ng pawis at hinog na bayabas ang amoy na nagingibabaw.
Halos lahat nakasimangot. Nagpapaypay. Nagpupunas ng pawis na tumutulo mula sa kanilang noo.
Nagpupunas ng mga butil nag pawis na naghahabulan mula sa kani-kanilang mga noo pababa sa kanilang leeg.
Mga butil ng pawis na nag-uunahan sa finish-line na hindi naman tiyak.
May mga sumusuot sa mga singit ng katawan, sa kilikili, sa likod, sa mga kulubot ng katawan.
Di na nakakakiliti ang sobrang butil ng pawis na nag-uunha sa iyong katawan. Nakakainis na.

Buti na lang may hangin sa loobng classroom kahit papaano.
Nag-charge ako ng celphone kong mukhang remote sa electric plug sa gilid ng silid.
Umupo lang ako sa sulok ng silid malapit sa bintana.
Kahit papaano, may hangin doong dadampi sa 'yong batok.

Hindi ko mawari kung bakit nagsisiksikan silang lahat sa labas.
Ayos din palang humiwalay sa mga tao paminsan-minsan.
Dumating ka.

Akala ko ikaw ang girlfriend ko.

Dumating ka pero 'di kita agad nakilala.
Nagpagupit ka kasi.
Ibang-iba na ang buhok mo.
Anong ginawa mo?
ANong nakain mo't nagpaputol ka nang ganyan?
Di mo naman idol si Amy Perez?
Alam kong mahl na mahal mo ang buhok mo at hindi ka nagpapagupit ng basta-basta na lang.

Tumayo ka lang ng matagal sa may pinto.
Tinitigan mo ako.
Pinilit mong ngumiti pero mabigat ang mga labi mo.
Lumapit kang dahan-dahan sa akin.
Napatulala ako sa 'yo.
May mga laway at ngiting namumuo sa gilid ng aking mga labi.
Hindi ka parin ngasasalita.
napangiti ako.

Tumayo ka sa harap ko.

Huminto ang marahang pagdampi ng hangin sa aking batok.
Nagsimula na ang karera ng mag butil ng pawis sa aking noo.
Pinigilan ko sila ng aking panyo.
Napigilan ko ang unang batch.
Mapilit ang mga butil. Masyado na silang madami.

Pinilit kitang biruin kahit na namamawis na ang taas na bahagi ng aking labi.
Anong nakain mo ha? Anong meron?

Ngingiti sana ako pero parang nanigas ang aking mga labi.
Hinila mo ang kaliwa kong braso.
Hinila mo 'ko sa gitna ng silid.
Tinitigan mo'ko ulit at mabilis pa sa talsik ng laway kapag bumabahing, sinampal mo ako.
Nasira ata ang relo ko.
Huminto ang paggalaw ng mga kamay nito.
Huminto pati nag-uunahang mga butil ng pawis sa aking katawan.
Nag-ugat na yata pati mga paa ko sa konkretong sahig.

Sinampal mo ako ulit.

Umayos ka nga.
Gumising ka!
Para akong lasing na nahimasmasan sa kanyang sampal.
Lahat bumalik sa normal.
Tuloy ang karera ng mga butil ng pawis.
Tuloy ang paggalaw ng kamay ng relo.
Nangininga ng aking mga tuhod.

Bubulalas sana ako ng mga salita pero ang tangi ko lang nasabi ay BAKIT?

Parang gumaan ang mga labi mo.
Mga labing handa nang maglitanya.
Huminga ako ng malalim.

BAKIT? puro ka BAKIT!
MAHAL kita. yun yon!

Parang nabingi ata ako.


Nakakainis ka.
Bakit ka ganyan.
Bakit mo pa kasi ako pina-ibig.

Ha?! Kelan ka pa natutong magsalita ng mga ganyang bagay?
Gusto ko pa sanang magsalita pero humirit ka ulit.

Bakit pa kasi ako napamahal sa'yo.
Di sana ako naghihirap ng ganito.

Lumuha ka.
Hinalikan mo 'ko sa pisngi.
Tumalikod ka.
Lumabas ka ang silid.
Iniwan mong nakabukas ang pinto.


Naiwan akong nakatayo sa gitna.

Beep!
Nag-text sa akin ang girlfriend ko.
Ipa-develop kop na daw ung picture namin.
Chineck ko ang aking remote na phone.
Patay!
Nawala lahat ng pictures.
Nawala din mga videos ko.
Pucha. Ano ba 'to!

Hinugot ko ang charger.

Napationgin ako sa pintuang iniwan mong nakabukas.
Nasulyapan pa kitang nagpupunas ng luha sa sulok malapit sa hagdanan.

Palabas na ako ng classroom.

Tuymugtog ng malakas ang Kung ako na lang sana ni Bituin Escalante.
Sumilip ako sa bintana.
May dumadaang karo ng patay.

"Kung ako na lang sana ang iyong minahal di ka na muling luluha pa...kung ako na lang sana."

3/27/2005

Bleak Blank Beach

I want the feeling of sand itching its way through my body.

The sun pinching my skin,

tanning it,

making it crispy by baking it with its heat.

I want to feel the waves massage my back, my neck, and my head.

I want it to send drips of water tracing the curves of my body.

Tracing my forehead down to my navel.

I long for the beach's embrace.

I never thought of anything else but the sweet kiss of the sea breeze on my face.

Never did i care to bring anything with me.

Just me.

Me and the beach.



I touched the sand.

It was never there.

I rolled myself on the sand.

No itch on my body.

Still no sandy itch on my skin.

I removed my swimming trunks.

One more time.

I rolled more.


Darn. Still no sandy itch.
Still no feeling.

I head for the waters.

I cupped the glittery water on my palm.

I splashed it on my face.

I saw it. I saw it run across my face. I saw it trace the silhoutte of my neck.

I saw it.

But I never felt it.

I dived in the water.

I immersed myself in the water as long as I can.

10 minutes.

20.

30 minutes.

I can still breathe normally.

I pulled myself out of the water.

My whole body was wet.

From my scalp yto my toes, I can see the wetness.

I can see that I'm wet but I never felt it.

The sun is continuously baking my skin.

I'm thirsty.

Brine water makes me more thirsty.

I want more water.

The beach is there.

I swam.

I saw.

i never conquered.

3/22/2005

Resurrections

To Nene,

Thanks for the bruises and the scratches. See you soon. Don't worry. I'll be fixing your blog ASAP. Thanks for the effort to walk along the grassy lands of Makiling.


*****



Buhay na bang matatawag ang paglublob mo sa putik sa bukid sa probinsiya noong bata ka pa?
Buhay na ba ang pagkakaroon mo ng maraming libag sa batok noong naglalaro ka pa sa kalsada ng teks at patintero?
Sapat na bang matawag na buhay ang pagkakaroon mo ng madaming medalya sa elementarya at highschool?
Ang buhay nga ba ang naghuhubog sa pagkatao ng isang nilalang?
Buhay bang matatawag ang pagkakaroon mo ng maraming kaibigan?
Buhay bang matatawag ang pag-aaral mo sa Ateneo, sa Republican College, o sa UP?
Alin ba ang buhay para sa iyo?
Sabi nila Carpe diem.
Sieze the day.
Pero sapat na ba ang isang araw para masabi mong naisabuhay mo ang iyong buhay?

Buhay.Parang dila ang aking buhay.
Halos natikman na nito ang lahat ng mga lasa.
Para akong sketch pad.
Marami nang naiguhit na larawan.
May mga nasayang na pahina.
Marami nang mga iginuhit ang nakulayan.
Buhay ko na sigurong matatawag ang pagtawa.
Masarap tumawa.
Nakakabata. Nakakbanat ng pisngi. Nakakapayat.
'Di mo na kailangang dumila ng maraming mga selyo sa loob ng tatlong minuto sa post office para lang magbawas ng 2 calories sa iyong timbang.
Ang buhay ay pagtawa.
Tawa pa lang ulam na.
Pag may ulam ka na busog ka na.
Pag busog ka na, buhay ka na.
Wala pa ako sa kalahati ng buhay ko.
Alam ko iyon.
Hindi ko pa nahuhuli ang na Big Fish na nahuli ni William Bloom.
Hindi ko pa nakakalahati ang aking box of chocolates.
Marami pa akong pahinang susulatan.

Mga pahinang kukulayan.
Buhay na nga bang matatawag ang pagkakaroon ko ng blog? Ang pagsusulat ko dito? Ang pagsama ko sa makasaysayang poetry walk/writing promt exercises ng samahang LAYB?
Buhay na bang matatawag ang pagkakaroon ko ng maraming galos sa tuhod?
Paano mo masasabing natagpuan mo na ang buhay?
Sabi sa Bibliya, kapag natagpuan mo na ang buhay mo, natagpuan mo na ang kayamanan mo; panahon na para iwaksi ito.
Kayamanan. Buhay.
Ang kayamanang bubunuin ko habang humihinga pa ako.
Ang kayamanang hinahabi ko kasabay ng bawat araw at gabing pagsinghot ng maduming hangin ng mundo.
Ang kayamanang putik na paghihirapan kong sipsipin sa singit ng aking mga daliri.
Ang aking kayamanan.
Ang aking buhay.






*****


Hang-over ng writing prompt kaninang umaga.
Masayang magsulat tungkol sa makulay na buhay.

3/08/2005

Irony, Kitty, and Diary

International Women's day.

We just finished electing the new batch of officers in our Org.
The daughters of eve dominated the position of officers.
Women power for this day! woohoo!

I just hope that the new set of officers can effectively do their tasks to make the org better.


*****


Neko,


What's with the depressive mood? Hmm. I say to you, your theory is just a theory. And what I've been telling you for the past few days are facts. Facts that are, (well, though they are facts established through concessions and social constructs) valid and will be valid for a person if a certain person believes in it. I don't know about you. You stick to your ideology too much. Although you project a perky image, you still don't appear to be one. You cannot feign happiness by shrouding it with "philosophical" thoughts and too much rationalizing about certain things that you believe to be only social constructs and non existent.
Well, Neko, happiness is a choice. You can choose to remain in your bubble of rationalization about things if it REALLY makes you happy, but you can very well believe in certain things that the mind cannot explain.
Neko, hello kitty may seem ahpy, but if you look at her more closely, she doesn't have any mouth that shows any sign of smile. Her eyes are plain black emotionless buttons embedded on her furry face, but that's just it. hello Kitty's happines is only attributed by persons. But are never like her. You are Neko. More special than the sensationalized furry kitty that dominated the closets and rooms of filthy-rich, vain kids. Neko, no matter how sad you think you are, and no mater ow neglected you think you may be, you are not. As you were always saying, you are the child of the universe. Yes, you really are a child of a universe. And every child of the universe is special. You are special. You are intelligent. You are more precous and influential than the pink emotionless kitty with a red ribbon on the ear. You are my Neko.
And because of that, you are entitled to feel special about yourself. You have no special reason to feel depressed. You are loved. It's just that you reject the idea of it.
Neko, be cool. Take it easy. Be safe.
******


Earlier this evening, we went to brod Jun Yees's house.
Jun Yee was one of the renowned national artists in the country.

As I entered the house, I got fascinated by the intricate designs and patterns that adorned the walls and ceiling. It is a cradle to numerous artistic masterpieces that gives it the aura of a museum.

In the center table in the guest room, I noticed one book, covered in a mud-like material. I suppose it's an old journal or diary of the artist. What's ironic with it is that it's left there on the table, as if offered for anybody, but it's locked and covered with the mud-like, cement-like material ,(whatever it is) to still keep its contents from the eyes of the readers.
Anyway, maybe it's just intended to be that way.
Plain artwork.

3/07/2005

IIDC Pics (Better Late than Never)

UPLB A Fab3UPLB B Go team mates! haha!UPLB A freaks! Diner Perks jaime pa-cuteFried and Cathy

3/04/2005

No heaven and No hell

Feeling the gush of wind tracing your forehead and lining each strand of your hair, riding the trolley for the first time can make me say that there is no heaven, that there is no hell beneath, and that I am the only person in the world.


*****

Having writing prompts and poetry exercises early in the morning exhausts me. It sucks up all my creative juices.
Well, at least I got to know that I still have those juices.


*****



Ayoko na ng ref mo!

Bakit?

Dati naman sa tuwing uuwi ka ng bahay ref ko ang una mong binubuksan.

Wala nang laman ang ref mo.

Giniginaw na ako sa loob.
Ayoko na.

Wala na ring init sa likod mo.

Wala na.

Anong magagawa ko? Nawalan ng kuryente.

Kaya nga bunutin mo na yang sarili mo sa saksakan.

Sa'yo na yang ref mo!

3/03/2005

Rummaged and Rumbled

Right now, US is still pacifying nations.
Bush ordered Syria to pullout troops in Lebanon.

My phone is still left uncharged for a week. (Darn. Why have I left the charger!)
UPLB team A broke into the IIDC4 octofinals.
Not bad for a rookie team.
Friendster is again having system failures.
I just realized how unorganized I am.
I just realized that I have much potentials to achieve my goals.
Nick Joaquin might be rejoicing in heaven seeing us suffer reading his works.
I enjoyed reading his stories.
Filipino blogers proliferate very fast.
Blogs who keep on ranting visitors to read their blogs, but have a small font and colors unpleasant to the eyes, continue to mushroom in the blogging community
.



But amidst all these, right now, at some point in the country, someone is counting the drips of water from a slightly opened faucet.


Drip.
drip.
Drip.
drip
.

No other sound.
Just the drips falling from the semi-opened
faucet.

Drips.
drips.


Each drip traveled the top of her cheekbones.
Each drip followed the contour of her face. Each drip is becoming a defeaning sound for her.
Silence. The previous deafening silence is quickly deadening on her ears.
She never dared to look around.
Her only focus was on the drips that enchanted her.
The drips that put a spell on her.
The only way she could afford to look around is through her peripherals.

Drips.
drips. Drips.
The drips then traced her arms, moved its way down her elbows, through her hands bound by shackles.

drips.
Drips
.




Gloria is now pushing the senate to do a resolution for the National ID system.

I just realized that I need to keep secrets for myself. I need to have reservations.



Drip.

3/01/2005

Monsignority

Sa hirap ng buhay, makakaisip ka talaga ng mga kakaibang paraan para yumaman. Marami jan ang nagnanakaw na lang, nangingidnap o kaya nanloloko ng kapwa para lang yumaman.


Ako? Hindi ko yun gagawin. Kung sakaling di man ako maging matagumpay sa aking career pagka graduate, magpapari na lang ako. Yep! magpapari ako. Oo. Dahil ang mga pario sa Pilipinas, yumayaman.
Pero siyempre, di lang basta-basta pari. Pagbubutihin ko ang pag-aral ko ng theology para ma-promote ako at maging isang monsignor. Tama. Maging isang monsignor o bishop, at maging director ng isang Catholic school.
Siguro iniisip nyo na wala naman akong mapapala dun, pero meron.
ganito kasi yun, sikreto lang natin to, pag naging Monsignor na ko, syempre wala akong tax, at syempre, wala namang masyadong binabayaran sa community ang isang monsignor ng simbahang katoliko, makakaipon ako ng pera. Hindi naman kasi lahat ng libo-libo, este, milyon-milyong kinikita ng simbahan ay napupuinta talaga sa simbahan. naniniwala ako na may mga papel na lilipad sa aking bulsa at mga baryang kusang gugulong sa aking alkansya.
In due time, yayaman na ako. hahaha! Magkakaron ako ng rancho na tulad ng sa monsignor namin nung high school, magkakaroon ako ng maraming kotse na initials ko lang ang nakalagay, at makakahawak ako ng kamal-kamal na salapi mula sa mga tuition fees ng mga estudyante.

Astig di ba?! Pagkatapos nun, pag nagkaroon na'ko mng maraming pera, sikreto akong mag-aasawa. Mambababae, pwede na rin.
Hay. Tapos, E di malalaman ng simbahan yung mga ginawa ko, siyempre, i-eexcommunicate nila ako sa simbahan, magiging laman ako ng mga pahayagan, magiging sikat ako, makikilala ng marami. Aalingawngaw ang pangalan ko sa maraming bansa, magiging isa akong public figure. Ang kayamanan ko? Well, by that time naman siguro, nakaipon na'ko ng sapat na salapiu sa bangko para yumaman ako. Nakapag-kamal na'ko ng sapat na yaman para mabuhay ng maluho. Higit pa para sa aking pamilya at mga mahal sa buhay.

At least hindi ako nagnakaw. Nakatulong pa nga ako sa simbahan. yumaman pa 'ko.

Tapos nun, magiging santo ako sa aking ginawa.

Huh?!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...