PAST BLOGS

2/24/2005

Periods and Commas through the Labyrinth



Naisip kita. Yun lang. Wala na. Tapos na. Period.


1 Message received.


Hindi ba pwedeng comma na lang para makapag-reply ako?

Matagal din bago bumalik ang mga dugo sa ugat ng mga daliri ko.



Sige. Comma.




1 Message received



Kumusta ka na?

Madami pang kamusta.



Eto. Ayos lang. Buhay pa naman.
Ikaw?

Matagal bago ko ulit narinig ang makulit kong message alert tone.

Eto, kakarating ko lang. Katatapos ko lang maglaslas. Malungkot ako.

Talaga? Saan ang piyesta? Bakit may laslasan ng laman? At kanino mo naman ihahandog ang nalaslas mong laman? haha.


Sent.

Nakalimutan ko na yatang maniwala sa mga sinasabi mo.

Nakakainis ang ganitong pakiramdam. Alam kong niloloko ko lang ang sarili ko sa pabalik-balik kong pagpunta sa iyong hardin. Ang iyong hardin na binuo sa aking mga panaginip.

Pilit kong tinatakasan ang iyong kamandag pero sa kakaikot ko sa hardin mo, bumabalik pa rin ako. Minsan hihinto ako para magpahinga, minsan naman, tiotigil ako dahil wala nang lagusan palabas. Pa'no mo ba 'to ginawa? Isang hardin na sarado pero mistulang walang katapusan ang bawat daraanan.
Nakikipaghabulan ka. Alam kong papatayin mo lang ako.
Ayokong magpahuli sa'yo subalit mapilit ang iyong kapangyarihan.
Ilang araw ko ring paulit-ulit na binabalikan sa aking pagpikit ang iyong hardin.

Nakakatakas lang ako sa tuwing gigising ako.



1 message received



Kumusta ka na? Magbalita ka naman.

Ayos lang.

Sent.

Punta ka dito. Nandito ako malapit sa inyo
.

Walang reply.

Umabot ang dalawang araw na walang reply.

Gandang umaga. Bago ang lahat, gusto kong malaman mo na matagal ko rin bago napilit ang sarili ko na i-text ka.
Sinabi mo gawin kong comma ang period para maka-reply ka, ginawa ko.
Pero anong ginawa mo? ginawa mong semicolon ang comma.
Ayos lang.
Dun ka naman magaling. Sa pagawa ng mga semicolon mula sa colon.
Ayos lang. Huli na talaga to. sige, ingat. Tuldok.

Sent.



I never imagined that running inside the Labyrinth is tiring.




Notice: Fiction

2/22/2005

About the UP Budget Cut and the event this coming Thursday


SAAN TAYO PUPULUTIN?




Kung sinsero ang gubyerno para itulak ang bansa sa pag-unlad, dapat ito ay mag-invest sa larangan ng edukasyong kagaya ng mga karatig bayan nito sa Asya. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari, laging napakaliaki ng inilalaan ng ating pambansang budget para sa pagbabayad ng mga utang kaysa sa paglalaan ng budget sa patuloy na pagtaas ng kalidad ng mga mag-aaral lalo na sa pampublikong edukasyon.

Ayon sa datos, nagpanukala nag Dept of Budget and Mgt (DBM) ng P907 B ngayong taon para sa ting pambansang budget. kung ating isasama ang kagayt na kaltas para sa pagbabayad ng prinsipal na utang, aabot ito sa P334.15 B. Ito ay ayon sa PD 1177 na awtomatikong naglalaan ng 10% mg GNP para sa pagbabayad ng utang. Kung isasama ang pagbabayad sa interes ng utang panlabas, magdadagdag p ang gubyerno ng P301.64 B. Makikitang halos 70% ng ating pambansang budget ay kakainin sa pagbabayad lamang ng ating mga utang panlabas.

Malaki ang epekto nito lalo na sa mga pampublikong serbisyo, kasama ang edukasyon. Ngayong taon, P107.5 B ang inilaan para sa primarya at sekundaryang edukasyon. Panukalang bawasan ito ng p4.87 B o mula 107.5 patungong P102.63 para sa taong 2005. Ang mga pampublikong kolehiyo at unibersidad (SCUs o State Colleges and Universities) na kasama ang Up ay nakatanggap lamang ng P15.7 B ngayong taon. Ang budget na ito ay pagakakasyahin ng lagapas 100 SCUs sa buong bansa. Mahalagang banggitin na ang pambansang budget na ito ay hindi nagbago sapagkat hindi na nakagawa pa ang Kamara at Senado dahil sa nalalapit na eleksyong 2004. Ang PUP na may kabuuang enrollees na aabot sa 60,000 ay may budget lamang na P512.89 M samanatalang ang PMA na may 3,000 estudyante lamang ay P586.17 M. Napakalaki ang pabor na ibinibigay nito sa mga military schools ngunit kapos para sa kalakhan ng mga estudyanteng Pilipino.

Matatandaang nitong mga nakalipas na taon, malaki ang ibinagsak ng UP sa talaan ng mga pinakamahuhusay na unibersidad sa buong Asya. Kung atin pang susuriin, malaki ang naging epektong patuloy na pagbabawas ng budget sa UP upang patuloy na paunlarin ang larangan nito bilang isang primier na universit6y sa bansa. Sa bawat kaltas sa budget ay nasasakripsiyo an kalidad ng guro, dagdag na pasilidad at gayundin ang pagpapalwak ng pagkakataon para makapag-aral ang mga kabataang Pilipino sa UP. Nasa antas na ng final reading sa senado ang budget ng UP ngayong Feb 4. Ang proposed budget ng Up ay aabot lamang sa P4.519 B, napakaliit kung ikukumpara sa tunay na pangangailangan ng unibersidad. Pagdating sa DBM, ito ay nakaltasan at umabot lamang sa P4.451 B. Sa kamara ay muling nakaltasan ito at naging P4.162 B. Umabot na sa P357 B ang panukalang kaltas sa budget ng UP. Sa kasaysayn ng UP, ito na marahil ang pinakamalaking kaltas sa ating budget, katumbas na nito ang budget ng UP Manila at PGH. Sa Feb 7, magkakaroon ng Bicameral meeting kung saan matapos aprubahan ito ay tutungo na ito sa opisina ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo para sa approval.

Ngunit hindi dapat tayo panghinaan o magkasya na lamang sa pananahimik. Sa mga nakaraang pagkilos natin ukol sa budget cut, malaki ang nakukuhang tagumpay kung tayo ay kikilos para ipaglaban ang makatarungang budget. Sa sama-samang pagkilos, walang imposibleng gawin. Nararapat lamang, bilang mga Iskolar ng Bayan na ipaglaban ang isang edukasyong siyentipiko, maka-masa at makabayan!

NO TO STATE ABANDONMENT OF EDUCATION!

NO TO EDUCATION BUDGET CUT!EDUKASYON PARA SA LAHAT!"

Let's fight for a higher state subsidy for educ'n! Oppose the P357 M budget cut! Join the UP systemwide action. Attend the mass up on February 25 (kasabay ng paggunita sa EDSA 1), 8 am, Humanities Steps, UPLB. O kaya, kitakits na lang sa harap ng senate. Please pass.[mula sa: SAKBAYAN; National Union of Students in the Philippines; Office of the Student Regent, Board of Regents, UP Diliman]paalala: paki-copy-paste lamang po ang entry maaaring sa inong blog o sa pamamagitan ng email, para po madagdagan at mapalalim ang awareness ng mga tao, lalo na ng mga estudyante/iskolar ng bayan ukol sa isyung ito. salamat.









*This post is actually taken from one concerned student and citezen of the country, Influenza. She's a fellow blogger and likes to spend time involving herself on mobs and demonstrations regarding social issues.




By the way, nasa UPLB si GMA tommorrow. Hmm...

2/20/2005

Again, wandering

Lagi kitang iniisip.
Wala nang ibang laman ang aking isip mula paggising hanggang pagtulog.
Puro na lang ikaw.
Ikaw.Ikaw at ikaw.
Pero nasaan ka? Palagi ka na lang busy sa mga ginagawa mo.
Akala ko hindi na matatapos ang pag-iisip ko.
Hangggang isang araw maisip ko na lang na tumigil na pala ako sa pag-iisip sa'yo.
Hindi na kita iniisip.
Wala na.
I was about to say I love you then but your words made me swallow my tongue deep down to my esophagus.
Your words struck me. What lingered more on me was your smile as you were uttering those sentences.
Your eyes are blank.
I felt nothing.
I am apathetic for hours.
But I have to move on.
I still love you up to this moment.
Amidst the crowd lining up for the starstruck final judgement night and the clamor of the students against the UP budget cut, I stand firm on my ground. I love you.


I don't think the relationship thing could continue, I am ,not sure about it, but I am hoping that our friendship will still remain.

Darn cliches. No bitterness on this side. Of course, I miss the closeness, the friendship, or whatever you may like to call it.
WE have been both sucked by the vacuum of our strenuous "works."
That's it. The campus really is a huge jungle of all sorts.
I never know if my roots could still hold on the mud.
A mud placed on top of a quicksand.
Don't worry I have ways to reach back to the ground.

Now I back in the forest. Alone again. Wandering but not lost. I know someday I'll meet another creature to love. In the jungle I loved a tiger, then a deer.
The tiger scratched me, the deer is just too aloof with wandering souls like me.
Well, that's about it.
The good thing is that there's still hope for the deer to come back anytime.
Hope, hope.




WARNING: These above are just strings of thoughts that just happened to cross my consciousness.
Don't be easily deceived by your naked thoughts.

2/16/2005

Ikaw sa pusod ko

Sana meron din akong lawit na tulad nang sa kanya.
Di kalakihan pero iba ang dating.
Sa tuwing ilalabas niya ang lawit niya, di ko talaga maiwasang mapatingin at mapaisip kung paanong ang isang tao na tulad niya ay magkakaroon ng ganoong lawit.
Di ko maiwasang mapahanga sa kanyang taglay na lawit.

Matagal na kaming magkasama. Actually, magdadalawang taon na nga.
Bilib ako sa kanya, syempre bukod sa kanyang lawit.Bilib ako sa kanya dahil kaya niyang dalhin ang sarili niya. Model student. Palaging nagta-top sa mga exams, active sa mga extra curricular activities, masayahin, makulit, mukhang laging walang problema.
Palagi namin siyang kasama ni Lindsay
Sa araw-araw na lang na ginawa ng diyos, magkakadikit kaming tatlo. Mag aapat na taon na kaming magkakakosa sa kolehiyo.
Sama-sama sa lahat ng kalokohan, saya at drama.
Para kaming magkakapatid.
Halos alam na namin ang bawat sulok ng pag-iisip ng isa't isa.
Pero sa bawat araw na magkakasama kaming tatlo, di ko maiwasang mainggit sa lawit niya.
Gusto ko ang lawit niya, pero iba ang sinasabi ng katawan ko. Iba ang sinasabi ng puso ko.
Minahal ko si Lindsay.


Nagpatuloy ang aming mga buhay.
Naiinggit pa rin ako sa kanya.
Hindi naging maganda ang takbo ng relasyon namin ni Lindsay.
Matagal din siyang nagsawalang kibo sa mga nararamdaman niya.
Ginusto siya ni Lindsay.
Iba talaga ang lawit niya.
Nalaman ko ang rebelasyon isang umaga nang kumakain akong patago at mag-isa sa isang di naman masyadong kilalang kainan sa aming lugar.
Pumasok silang dalawa. Naupo.
Sinalo ng mga tila nakadipang balikat niya ang mga pisngi ni Lindsay na pinakintab ng kanyang mga luha.
Hindi naman kalayuan ang puwesto ko mula sa kinauupuan nila. Medyo lumapit ako.
Narinig ko ang sinabi ni Lindsay sa kanya.

"Gusto ko ang lawit mo."

Muntik na akong mabulunan sa pang limandaang nagaraya crackers na kasalukuyan kong pinapapapak nung mga panahong iyon. Muntik ko nang hindi maramdaman ang pagka overdose ko sa mani.
Pero hindi. Ang mga katagang iyon ay sapat na para maramdaman ko ang matinding pagkauhaw matapos akong muntik na mabulunan sa pang limandaang piraso ng mani na sinubo ko sa aking bibig.


"Gusto ko ang lawit mo."

At inulit pa niya. Nasaktan ako.
Di lang dahil sa kamuntikang pagkabulon, kundi dahil sa tumusok na tothpick sa aking daliri.
Buong akala ko minahal ako ni Lindsay.
Bakit? Ano ba kasing meron sa lawit niya?
Hmm. Teka. Hindi dapat to. Hindi ko na to kaya. Kailangan ko nang uminom ng tubig.
HIndi.
Hindi ko nna talaga kaya ang nasasaksihan ko.
Si Lindsay, noon pa pala nakatingin sa kanyang lawit.
Ilang taon kong iniwas ang aking tingin sa kanyang lawit para lang kay Linsay.
Pero mas agaw atensyon pa rin yung lawit niya.
Mas napansin tuloy ni Lindsay.
Na-inspire daw si Lindsay sa kanyang lawit.
Di ko na talaga kaya to! Magkakaalmuranas na ata ako.
Bakkit ba kasi Chili flavored nagaraya pa ang napagtripan ko. Grr.
Pero hindi. Hindi maari ang mga nangyayari.
Tumayo ako. Tulak ng puwet, at siyempre, kabig ng dibdib.
Nagulat ako dahil parang di sila nabigla na nandun ako.
Pinainom ako ni Lindsay ng tubig.
Ahh.
Pucha ang haba na.
To cut this supposed to be longer story short,
Kinausap niya ako. Bakit pa daw kami kailangang magtalo ni Lindsay, e pare-pareho lang naman kaming magkakaibigan.
Oo nga no?!
Mahal ko si Lindsay, gusto ni Lindsay ang lawit niya, at gusto ko rin yung lawit niya.
Ayos, resolved ang conflict, kahit na di masyadong justified.
Happy tree friends na ulit kaming tatlo. Masaya si L:ily
Oo Lily ang name niya. Girl siya na may lawit.
at naapreciate namin ang kanyang lawit. Ang pinagkukunan niya ng mala hayop niyang appeal.
Ang pinaghuhugutan niya ng lakas.
Ang kanyang kapangyarihan.
Ang kanyang libog.
Ang kanyang nakalawit na pusod.
Oo. Pusod.
Pusod na nakalawit.
kaw ha?


Hay. sori. promise, may mas maayos pang version nito na lalabas.Promise.
hahaha.
Imbes na nag-aaral kay avalanche.
:)

Mayombe-Bombe-Mayombe*

Mayombe-Bombe-Mayombe

I enjoyed the LAYB walk earlier this morning. There were twelve of us. Sir Dennis, sir Dumlao and Mam Amy were all there.

Mayombe-Bombe-Mayombe

People around me are all having rapid influx of change in their ideologies.
Aps.Let us talk.

Mayombe-Bombe-Mayombe

The venomous bite of the poisonous stress and work is fast consuming our systems.

Mayombe-Bombe-Mayombe

Debates and seemingly intellectual discourses and discussions continue to echo on the wailing walls of the buildings.
Just plain debates.
Still a Struggle for argumentations.
Still no remedy to the problems yet.

Mayombe-Bombe-Mayombe

The title is an excerpt from Nicolas Guillen's Sensemaya

2/15/2005

Valium time day

Dragging day. Lots of paper works.

I lost my diskette full of my supposed-to-be-private pictures.

I'm not yet ready to join the bandwagon of pictures and videos that proliferate the internet and cellular phones.

Feb Fair was still dim.
Electrical power crisis here in Elbi.
Good thing the food are nice.
My debate sucks.

It's a nice thing that Caty at least experienced orgasmic joy on the last minutes of Valentines.

Her fantasy suddenly faded a few minutes after 12.
Her smile was stil there.
Still, paperworks until now.
Whew.
How I wish cupid would literally hit my teacher's heart with his pointed arrow. :)

2/09/2005

Taga ng tenga

Hinabol ko siya ng itak.
Di ko na kayang manahimik pa.
Tatlong buwan ko na rin siyang pinagtiisan.
Ikaw ba naman ang tatlong buwan na murahin ng araw-araw.

Nag-init na lang talaga ang dugo ko. Ganun pala yun pag di mo agad inilalabas.
Para kang softdrink na nasobrahan sa kalog.

Pinigilan kong pumasok sa ulo ko ang mapilit na init nng araw nung tanghaling iyon.
Tahimik akong kumakain sa canteen ng dorm.
Kitang kita ko sa gilid ng aking mga mata ang bawat buka ng kanyang bibig. Para bang ini-Slow motion ang bawat sandali. Tumatak na nang tumatak sa aking isip ang bawat buka, ang bawat maliliit na talsik na laway sa kanyang mga usal, ang bawat pagkinang ng mga talim ng kanyang mga ngipin sa akin. Tumatak lahat ng malinaw sa aking isipan.
Kaya ko pa sanang tiisin ang nakikita ko. Kaya pang burahin sa isip ang mga bagay na nakikita. Madali lang yun. Kaya lang mahirap kung ang mas tatatak sa'yo e yung mga boses at salita na lumalabas sa bawat buka ng kanyang bibig.

"Putang ina mo! "Pu_____tang____ina___mo!"
Hind niya ako tinigilan hanggang sa umakyat halos lahat ng aking dugo sa aking ulo.
Kaya kong magtimpi hangga't kaya ko.
Pero sobra na siya.
Naging blangko bigla ang lahat.
Nagdilim ang paningin ko.
Akala ko nabura na siya sa isip ko.
Narinig ko na naman siya.
Putang ina mo!
Pabulong, pero sadyang malutong.
Malas niya.Tumatak na sa isip ko ang mga inusal niyang salita.
Pu___tang Ina mo!
Sa isang iglap naging siya lang ang tao sa aking paningin.
Tumakbo ako palabas ng canteen.
Hindi ako tumakbo para umiyak.
Wala yun sa prinsipyo ko.
Kinuha ko yung malaki kong itak sa kuwarto, sabay dampot ng isang malaking pako.
Dirediretso kong tinungo pababa ang canteen na walang ibang nasa isip kundi tagain siya.
Kaaway ang tingin ko sa kanya nang mga panahomnh iyon.
Masahol pa sa terorista at sa mga militar na nanggugulo sa aming bayan.
Masahol pa siya sa demonyo ng mga Kristiyano.
Nakita ko ang pagkagimbal sa kanyang mukha.Hindi awa ang nadama ko kundi mas matinding pagkamuhi.
Para na siyang pinako sa kanyang kinalalagyan mula nang makita niya akong may dalang itak na papalapit sa kanya.
Wala na tong atrasan. Wala na kong pakialam sa sasabihin pa ng iba.
Nang akma ko nang itataga ang itak sa kanyang katawan, biglang may kung anong puersang nakialam at ako'y natalisod.
Tumarak pa rin naman ang nangangati kong itak.
Yun nga lang, sa katawan ko siya nahimlay.
Nang ako'y nadapa, madaling naglapat ang katawan ko at ang itak.
Madali naman akong nahugasan ng dugo.
Unti-unti, biglang nagbalik sa akin ang aking ulirat. Luminaw ang lahat.
Madami pa palang tao.
Nakapalibot silang lhat sa akin.
Parang nung bagong sal;ta pa ko sa dorm at nung manalo ako bilang kauna-unahang presidente ng bagong bukas na dorm. Landslide ang pagkapanalo ko nun.
Ngayon, mukang magkaka landslide ulit.
Landslide na boto para patalsikin ako ng dorm.

Dinala ako sa infirmary.
Dinala ako sa tanggapan ng mga pigoy.
Kinasuhan ako.
Kamuntikan pang mawala ang Scholarship ko.
Totoo nga.
Pinalayas ako sa dorm.
Lahat sila tingin sa'kin berdugo.
Sumikat ako. Umalingawngaw ang pangalan ko sa loob at labas ng unibersidad.
Nakatakda na siguro akong sumikat.Noon pa man nakabuntot na sa'kin ang mga intriga. Laging may dalang ingayu ang aking pangalan. Para akong showbiz personality.
Noong highschool, wala nang ibang pinansin ang mga guro at kaklase ko sa paaralan kundi ako. Lagi na lang tinatawanan ang pangalan ko. Lagi na lang akong minamaliit. Lagi na lang akong minamata. Lagi akong pinag-uusapan. Muslim daw kasi ako.
Muslim ako.
Lumaki ako sa isang magulong bayan sa Mindanao. sanay na'ko sa putukan. Bata pa lang kami sinanay na kaming humawak ng mga armas. sanay akong gumamit ng itak. Sanay akong makipaglaban para sa aking paniniwala.
Wala akong inuurungan.
pero pinili kong mangibang bayan at makipagsapalaran para sa edukasyon. Naniniwala akong babaguhin niyto ang aking pagkatao. Ang aking mga paniniwala. Inisip ko noon na mababago ng edukasyon ang aking pagtingin na kaaway lahat ng mga kristiyano.
Pumasok ako ng Ateneo sa Davao.
Ang napalo ko, diskriminasyon.
Pumasok ako sa unibersidad ng Pilipinas.
Ang inaasam kong malugod na pagtanggap at bukas-isip na magtangkilik ay gumuhong lahat dahil sa insidenteng iyon.
Ang ginawa ko ng isang hapom pinagbayaran ko ng dalawang taon.
Pagkatapos akong patalsikin sa dorm, wala akong ibang mapuntahan. Bahay, School at Mosque lang ang ruta ko. Kapag lalabas ako at kakain sa labas ng Campus, literal na nag-aalisan ang mga tao.
Sumikat talaga ako noon sa campus.
Ang akala kong diskriminasyon sa mga eskwelahan na sa tv at pelikul;a lang naman nangyayari ay nagkatotoo para sa akin.
Muslim kasi ako.

walang pumapansin sa akin. Wala akong kaibigan.
literal akong nag-iisa.
Dal;awang taon.
Isipin mo na lang ang bigat na nararamdaman ko noon.
Sana natuluyan na lang ako nung nataga yung katawan ko.

Mahirap ang walang kaibigan.
Ngayon, graduating na'ko.
Matagal bago ko nabago ang aking reputasyon sa Unibersidad. Isa-isa kong nilapitang lahat ng taong naagrabyado ko.
Bagama't mailap sila 'pag nakikita nila ako, hinahabol ko sila, hindi para tagain, kundi para humingi ng tawad at ipaintindi sa kanila ang naging kalagayan ko.
Unti-unti, gumagaan ang pakiramdam ko.
Unti-unti parang bumabalik na'ko sa dati.
salamat sa mga Comm Arts people at binigyan nila ng bagong imahe ang aking pagkatao.
Pinasali nila ako sa kanilang play sa campus.
Unti unti nhang nabura sa alaala ng mga tao ang madugong insidente noong mainit na tanghaling iyon.
Tama ako.
Madaling burahin sa alaala ang mga nakita ng mata, pero mahirap ang mga ipinadama ng damdamin at ipinarinig ng tenga.
Parang tagang tumutusok sa pagkatao ng isang nilalang ang mga inuusal ng bibig. Tunay ngang mapanganib na sandata ang dila.Nakasusugat.

Ngayon, masaya na ko sa piling ng asawa ko.
salamat kay Allah.
Alam kong may matututunan ako sa pangyayaring iyon.Matagal nga lang bago ko nakuha ang gusto niyang iparating.
Dapat mas naging pasensiyoso pa ko. isa pa, mas mapapasama pa lalo ang pangalang ng vmga muslim sa bansang ito kung nagkataong nakapatay nga ako.
Hindi na'ko nanghahabol ng itak.
Binago ako ng karanasang iyon. Alam ko, binago din nun yung taong muntik ko nang mataga.
-P.




*Ang istoryang ito ay hango sa kuwento sa'kin ng isang kaibigang Muslim. Medyo Minodify ko lang ang ibang bahagi pero tinira ko ang essence ng kuwento.

Deer Chase

Ang hirap pala makipaghabulan sa usa.

Sadyang mailap ang usa.

Habang nilalapitan mo, unti-unti naman 'tong lumalayo.

Minsan nakakatakot na tuloy lumapit.

Pero hindi.
Matapang ako.

Gusto ko lang namang makasamang muli ang usa.
Dati naman kasa-kasama ko lang siya.
Maamo naman siya dati.Mailap nga lang.
Mas mailap.
Nakakapagod humabol ng humabol.
Naglalakad lang naman kasi ako.
Tatakbo na nga ako.
Baka mas maabutan ko siya sa pagtakbo.
Peste kasing mga mundo na humihila sa amin.
Ang usa, hinihila ng gubat.
Ako, hinihila ng dilim.
Hinihila ng Anino.





Masarap habulin ang usa.Masarap pawisan. Masarap makinig ng Pwede Naman tayo ng Kartoon Chemistry.


*Ang Kartoon Chemistry nga pala ay isang banda sa UPLB.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...